lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu valley of chrome – ikatlong mata

Loading...

sinasakal ko ang anino ng nakaraan
hindi ko na alam kung sino ang aking susundan

sa bawat may sulok may multo na hindi mapahinga
ang isip di mahiwalay sa hiwagang dulot niya

nakaraan ko’y nagmumulto
hanap ko’y katahimikan
gising lagi sa magdamag
para bang sinasapian
nakasalin ba ito sa libro
naisulat ng kapalaran
kapangyarhihan ba’y may kapalit
dapat bang pagbayaran

at ang ikatlong mata ay binuksan
bulag sa katotohanan
kinain ang itim na mansanas
habambuhay paghihirapan

isang alipin ng sakit at galit
nasa balikat ang bigat
dinadalang kaban ng kalungkutan
tuluyang nanunumbat

kasalanan mo ito kaibigan
isa kang tunay na hangal
tunay na nagkasala
ang madalas magdasal

nakaraan ko’y nagmumulto
hanap ko’y katahimikan
gising lagi sa magdamag
para bang sinasapian

sa bawat may sulok may multo na hindi mapahinga
ang isip di mahiwalay sa hiwagang dulot niya
nakaraan ko’y nagmumulto
hanap ko’y katahimikan
gising lagi sa magdamag
para bang sinasapian

nakasalin ba ito sa libro
naisulat ng kapalaran
kapangyarhihan ba’y may kapalit
dapat bang pagbayaran


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...