lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu teyo j – kahilera

Loading...

v1:
kahilera, nakatabi lang sa bodega
oras nakatengga sa paibabang kometa
mismong sinusukat nang taong~taong pinetsa
listang pinepetsa kung tama ba ang suspetya
binuo nang, mga numerong binulong
sinuplong sa mga bawat turong
kuro~kurong pisikang nilantad ang katabing
ibayong iba yung tinalaga at talagang pinala
pilit man pero hindi natin masabi sa iba
kabuuang pisikang ginamit ng iba
kinuha at pinag~aralan ng mga madla
ito nga ba talaga ang tinawag na aninong
‘di makita at pilit natin hawakan at malasap

hook:

kahilerang, kinarera
nang sansinukob
milyong milyong planeta
ngunit pareho ang hulog
agham na panimula sa mata ng mga tao
sampu~sampung~isa’t anim ang mga itinago

dalang~dala nang naka~talaga
salik~saliksikin ang bawat pisika
agham o ating matematika
nakakabaliw nga naman talaga ang daluyan nito
oras~oras pareho ang prutas
na niiilabas
bawat tao may kanya~kannnyang
ginagawa

mundong ibang anyo ang ating sinampa
nakita mo sarili pero hindi ka kilala

v2:
kinaiya nang, sarili mo nang anyo
ikaw na ikaw pero iba ang mga binato
iisang mundo, ngunit iba~iba ang tinayo
liknayang sagot kung bakit ka nandito na ng~yon
parang kang dayuhan na bula ang/bulaang
napaka~hiraya sa isipan
pagkat pangkat~pangkat ang kamalayan
sa isip ng kapwa mo dayuhan
bakit ba ganon, yari’t niyari ng pagkakataon
isang teorya ang babago isip~isipan ng sanggol
nasa sampu’t, limang daan ang pagkasukat
nang mga sinukat nang sinuka’t ng mga utak
nabuo ang isang experimentong kinagulat
nang mga taong tinaong nagmarka at umulat

outro:
hinduismo, budismo mitolohikang kosmologo
kathang~isip na ideyang mga siyentipiko
ang dami paliko~liko, andaming nang nalilito
pero pa’no kung totoo ang mga hakang~hakang ‘to


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...