lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu sugarcane (phl) – paruparo

Loading...

[verse 1]
paruparo kay gandang pagmasdang paruparo
hiwagang taglay ng anino
kay ningning ng labi, oh, paano?

[verse 2]
paruparo kay gandang pagmasdang paruparo
ngiting mala~bituin, oh, kanino?
tamis na nagmula sa’yo

[chorus]
namumulaklak, sayang namumukadkad
huli’y nadudugtungan, simulang palaisipan
hindi mapapantayan, hindi mapapalitan
[post~chorus]
dalhin mo ako sa dilim
sa tagong palasyong nasa salamin
oh, dalhin mo ako sa dilim
habang dahan~dahang mundo’y angkinin

[verse 3]
paruparo kay gandang pagmasdang paruparo
init ng mga kapit mo, oh, dinadala ako

[chorus]
namumulaklak, sayang namumukadkad
huli’y nadudugtungan, simulang palaisipan
‘di mapapantayan, ‘di mapapalitan

[post~chorus]
dalhin mo ako sa dilim
sa tagong palasyong nasa salamin
oh, dalhin mo ako sa dilim
habang dahan~dahang mundo’y angkinin

[bridge]
oh, tila paulit~ulit mo akong inaakit
kaya’t hayaang ika’y dalhin
sa kalawakang ‘di napapansin
[outro]
lapit, init, lambing sa’yong kapit
mga mata’y tila sa aki’y umakit
ikaw ang una, gitna, at hulihan
hanapin ang diwa magpakailanman
lambing ng ‘yong hangin
ikaw ang aking munting dalangin
lunurin sa’yong kahiwagaan
puso’y wala namang kalaban~laban
ikaw ang binhing pinaninindigan
kahit guniguning ‘di maintindihan


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...