lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu shehyee – kuntento

Loading...

[verse 1]
yo, pa’no ba sipagin, brrah? pwede ba ituro niyo sa akin
gan’to ba talaga, ‘pag natupad na ang iyong dalangin, ayy
‘di ko na bibilangin, not a fan, baka sabihin niyo mahangin
gan’to na lang, alam niyo sa’n ako nanggaling
kung babalikan ‘yon ay hindi na pwedeng lakarin
parang lyrics lang ni thyro
“kilome~kilome~kilomentro ang layo”
masaya na sana kaso ‘di ko gets
‘di ko gets kung saan na ‘ko dadako
gumawa ‘ko ng pangarap na mahirap abutin
nung naabot ko na ka’gad, ‘di na alam gagawin
masyado akong pinalad, gusto ko na sampalin
ang sarili ko para magising, woah
[pre~chorus]
gusto ko nang mapaso para mag~alab ulit
parang gusto kong matalo para ganahan ulit
nakalimutan ko na pa’no ang mangarap ulit
nagsimulang mawala ang kulit ko
sa tingin ko magmula nung

[chorus]
makuntento (makuntento, oh, makuntento)
ah, ‘yun ang turo nila
kung gusto mong sumaya
ay makuntento (makuntento, oh, makuntento)
tama ba talaga ang makuntento?

[verse 2]
kung nakuntento mga tao nung unang panahon, brrah
‘asan kaya tayo ng~yon, tingin mo may gripo
o ‘yung tubig mo iniigib mo pa rin ‘to sa balon
pa’no kung okay lang sa kanilang ‘di maligo
naimbento kaya ‘yung sabon
paano kung mga taong nauna noon
nakuntento nang ‘di alam ang sagot sa mga tanong
saan tayo pupulutin? (i don’t know)
aabot ba sa kabilang ibayo?
sa buwan ba’y makakarating tayo?
kung nakuntento na lang sila sa kanilang kabayo
sila ay nangarap, sinubukang abutin
nung naabot nila, ba’t sila ay gutom pa rin?
gano’n yata dapat, bakit ‘di ko sampalin
ang sarili ko para magising, woo, woo
[pre~chorus]
gusto ko nang mapaso (kasi, kasi)
para mag~alab ulit
parang gusto kong matalo (bakit? bakit?)
para ganahan ulit
nakalimutan ko na pa’no (alin? alin?)
ang mangarap ulit
nagsimulang mawala ang kulit ko
sa tingin ko magmula nung

[chorus]
makuntento (makuntento, oh, makuntento)
ah, ‘yun ang turo nila
kung gusto mong sumaya
ay makuntento (makuntento, oh, makuntento)
tama ba talaga ang makuntento?

[bridge]
ng~yo’y ayos lang kung ‘di ko pa kaya
‘gang dito lang muna, ngunit hanggang kailan
parang ‘di ko pa kaya, bukas nang umaga

[verse 3]
ahh, kadena ko’y kakalagan
may ayaw tumabi, gawan ng paraan
kung sa’n ako papunta ay hindi ko alam
basta ‘di na ‘ko papayag na hanggang dito na lang
napakarami pa nating kayang gawin
iba’t ibang dahilan na aalamin
walang katapusan kung lalakbayin
kaya sisimulan ko nang takbuhin
at hindi na importante sa akin
kung sa’n man ako nanggaling
o sa’n man ako makakarating
hihinto na lang tuwing aamuyin
ang simoy ng hangin tapos sa harap na uli ang tingin
sabi nila’y ‘di ka magiging masaya
kapag ‘di ka nakuntento sa ibinig~y ng diyos
ang tanong ko lang
“masaya ba ‘yung mga taong
nagkakasya lang sa pagiging kapos?”
[outro]
oh, oh, ba’t nawala ‘yung beat?
‘di pa ‘ko tapos
makuntento


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...