lirik lagu sharon cuneta – sa hirap at ginhawa
[verse 1]
paano mailalarawan ang pag~ibig kong wagas?
maipipinta pa ang damdaming ‘di magwawakas
na bawat araw ay nagbabagong kulay
lalong nabubuhay
[pre~chorus]
gaano karaming wika ang kakailanganin pa
upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta
damdaming kay ganda, dahil sa naro’n ka
laging sinasamba
[chorus]
kulang ba ang mahalin kita magpakailan pa man?
kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggan
lagi na ako’y kasama mo, matinik mang daan
may sigla, maging sa hirap at ginhawa man
[verse 2]
batid ko, kalaban natin ang mundong mapang~api
mananatili kang lakas ko, araw at gabi
dito sa aking tabi, walang ikukubli
mahal kita kasi
[pre~chorus]
gaano karaming wika ang kakailanganin pa
upang sa pagbigkas man lang ay aking maipinta?
damdaming kay ganda, dahil sa naro’n ka
laging sinasamba
[chorus]
kulang ba ang mahalin kita magpakainlan pa man?
kung kulang pa kahit sa kabila pa ng walang hanggan
lagi na ako’y kasama mo sa ano mang daan
may sigla, maging sa hirap at ginhawa ay laan, mahal kita
maging sa hirap at ginhawa man
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu corazón serrano – mi corazón está llorándote
- lirik lagu samuel medas – all i need to know
- lirik lagu sofos – estímulos
- lirik lagu frvr&alwys – self harm
- lirik lagu lunna lucci – reborn
- lirik lagu lex leosis – minor setback
- lirik lagu aespa (에스파) – yolo
- lirik lagu will joseph cook – eye to eye
- lirik lagu chc (rapero) – te debo todo
- lirik lagu lost noise – flag up