lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu pilita corrales – noong unang panahon

Loading...

[verse 1]
noong unang panahon, ang langit at lupa’y
magkaratig halos, laganap ang tuwa
kapag sa banga, ni butil ay wala
ang gubat at ilog, may handang biyaya

[verse 2]
noong unang panahon, ang sikat ng araw
ay nagpapalago sa bawat halaman
bakit kaya ng~yon, kay init ng darang
ilog tinutuyo, parang tinitigang?

[verse 3]
noong unang panahon, ang patak ng ulan
pinasasariwa dahong naninilaw
ng~yo’y nagngangalit, may hanging kasabay
may bahang kasunod na nakamamatay

[verse 4]
noong unang panahon, ang puso ng tao’y
marunong magmahal, hindi nanloloko
sa hapis ng iba’y laang makisalo
lalong pumayapa at hindi manggulo

[verse 5]
pati na ang langit, na dati’y kay baba
ay nagpakalayo sa ulilang lupa
bathala gumising, tuyuin ang luha
ng nananawagan at nagpapaawa
[verse 6]
noong unang panahon ang langit at lupa’y magkaratig halos, laganap ang tuwa
bathala gumising, tuyuin ang luha
ng nananawagan at nagpapaawa

[verse 7]
noong unang panahon
noong unang panahon
noong unang panahon


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...