lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu nica del rosario – rosas (extended version)

Loading...

[verse 1: nica del rosario]
huwag kang mabahala
ikaw ay mahalaga
hindi kita pababayaan
hindi tayo naiiba
at sana’y paniwalaan
na pipiliin ka araw~araw

[pre~chorus: nica del rosario]
at alam ko ang aking kaya
alam ko ang hindi
alam ko ang kailangan
upang makapagsilbi
hangga’t may kabutihan
hangga’t may pag~ibig
liwanag ang mananaig
[chorus: nica del rosario]
at hindi ko maipapangako
ang kulay rosas na mundo para sa’yo
at hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
hangga’t hindi mo pa magaw~ng
muling ipagmalaki na ika’y isang pilipino

[verse 2: gab pangilinan]
huwag kang matatakot
may kasangga ka sa laban na ito
sabay nating gisingin ang nasyon

[pre~chorus: gab pangilinan]
at alam ko ang aking kaya
alam ko ang hindi
alam ko ang kailangan
upang makapagsilbi
hangga’t may kabutihan
hangga’t may pag~ibig
liwanag ang mananaig

[chorus: both]
at hindi ko maipapangako
ang kulay rosas na mundo para sa’yo
at hindi ko maiilawan ang lahat ng anino
pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
hangga’t hindi mo pa magaw~ng
muling ipagmalaki na ika’y isang
[bridge: gab pangilinan, nica del rosario, both]
pilipinong may pusong sagutin ang tugon
pilipinong may tapang na muling bumangon
pilipinong buo ang paninindigan
alam ang tama at totoo
samahan mo ako

[verse 3: nica del rosario, both]
huwag kang manghinayang
hindi tayo nabigo
tibayan ang iyong loob
at kahit may dilim na umaaligid
ang liwanag sa puso’y ‘di pasisiil
namulat sa pag~asa, sa pag~ibig
hindi na muling pipikit

[chorus: both]
at hindi ko maipapangako (at hindi ko)
ang kulay rosas na mundo para sa’yo (kulay rosas)
at hindi ko maiilawan ang lahat ng anino (oh~oh~oh)
pero sisikapin ko at hindi ako magpapahinga
hangga’t hindi mo pa magaw~ng
muling ipagmalaki na ika’y isang
matatag at matapang at mabuti at mapagmahal na pilipino

[outro: gab pangilinan, nica del rosario]
pilipino
pilipino


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...