lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu myke salomon – huling araw

Loading...

kung isang araw na lang
ang bibig~y ng maykapal
kakayanin ko pa ba
na dumilat ang aking mga mata

kung wala ka na
paano na ang hiling ng isa’t isa
sa natitirang tibok ng oras kapag kasama ka
sana…

may isang araw pa tayo, sinta
magkayakap hanggang sa huling paghinga
may isang gabi pa tayong dal’wa
sana ang ng~yon ‘di na maging bukas pa

kung huling gabi na lang
makikita aking mahal
sasayangin ko pa ba
ang liwanag ng iyong alaala

kapag minuto na
ang unti~unti nating binibilang
sa nalalabing halik
na ‘di malilimutan kailanman

may isang araw pa tayo, sinta
magkayakap hanggang sa huling paghinga
may isang gabi pa tayong dal’wa
sana ang ng~yon ‘di na maging bukas pa
kung ito’y huling awit, pipigilan kong saglit
ang pagbawi ng langit at sa’yo lang kakapit
ang pagmamahal na walang kapalit
buhay ko sa’yo ipipilit

may isang araw pa tayo, sinta
magkayakap hanggang sa huling paghinga
may isang gabi pa tayong dal’wa
sana ang ng~yon ‘di na maging bukas pa

may isang araw pa
may isang gabi pa
may isang araw pa

ang huling araw ay sa’tin, sinta
ang huling gabi ay ating dal’wa
sana ang ng~yon ‘di na maging
bukas pa…


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...