lirik lagu kyle anunciacion – gusto ko na
ayaw ko sa basa
sa mga butil ng ambon at panakanakang pagbuhos ng ulan
wari’y binabasa nito ang matagal mo nang tuyong nakaraan
ayaw ko sa araw
kapag pinapaso ang lahat
habang sumasabay sa nagngingiyak na balat
ayaw ko sa kare~kare
sa nagpupumiglas na pag nguya
dahil hindi ko mahagilap ang sarap
ayaw ko sa bago
nakakatakot ang sumubok
sa mga bag~y na hindi nakasanayan nitong iniaalok
ayaw ko sa libro
mga pahinang maraming sinasabi
ako’y nagbubulagbulagan
madalas ring nabibingi
ayaw kong tumanda
sa matuling paglisan ng mga araw
naiiwan
naiiwan at hahabulin ng tanaw
ayaw ko noon
gusto ko na ng ulan
sa kalmadong idinudulot na pakiramdam
nalulunod sa kalig~yahan ng pag patak sa daan
gusto ko na ng araw
nakabubulag na sinag ng liwanag sa kapaligiran
gabay sa aking hakbang sa paroroonan
gusto ko na ng kare~kare
ang lasa sa dila
matatamis na mga salita
gusto ko na ng bago
lahat~lahat ng bago
ang dating takot
siya ng~yong namamaluktot
gusto ko na ng libro
musika sa pagbuklat ng mga pahina
kausap at karamay sa sandaling nag~iisa
gusto ko nang tumanda
basta ikaw ang makikita
magdahan~dahan man ang lakad
maubos man ang salita
gusto ko na
dahil sa’yo
ng~yon
ginusto ko na
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu faithful – we do not labor in vain
- lirik lagu nick manfredi – land of the midnight sun
- lirik lagu leftwing & kody – deeper
- lirik lagu souls of diotima – ichnos superhero
- lirik lagu ayanda jiya – remember
- lirik lagu seagerkid – heaven on a swingset (feat. optimize)
- lirik lagu mahesh mahadev – karnatakave namma swathu
- lirik lagu peat – peter und der wolf
- lirik lagu zyaxx – dis-moi tout
- lirik lagu van morrison – what do we call this van?