lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu kawago – salamat sa alaala

Loading...

[verse 1]
masakit man ang nangyari sa ating dalawa
pinilit kong kalimutan pero hindi ko na makaya
ang hapdi na nadama simula nang mawala ka
dahil alam ko sa sarili na mahal pa rin kita
hindi ko makalimutan ang tamis ng iyong halik
at ako’y nasasabik sa muli mong pagbabalik
kahit nasasaktan ang puso kong sa ‘yo’y sawi
kailangan kong mabuhay ay ayusin ang sarili

[verse 2]
upang sa gano’n mapagtakpan aking pagkakamali
at ang sakit na naidulot ko sa puso mo palagi
isip ko’y gulong~gulo dahil sa ‘yong mga pangako
na hindi mo ko iiwan at lagi sa puso mo
kahit na ganito ang nangyari sa ‘tin, sinta
ikaw ang lahat sa akin, ako man ay magdusa
walang dapat na sisihin sa ating pagkakamali
salamat sa alaala at sa pag~ibig nating sawi

[chorus]
salamat sa alaala
salamat sa ‘yo, sinta
tamis ng ‘yong mga labi
alaala ko sa t’wina
hindi ko malilimutan
tamis ng ating sumpaan
kahit dagling naparam
salamat sa ‘yo, hirang
[verse 3]
ang sarap sariwain ating nagdaan
masayang alaala sa akin mo iniwan
naaalala ko pa ang isang tulad mo
simula pa noon ikaw lang minahal ko
ng lubos at tapat, walang kapantay
kahit ang buhay ko para sa ‘yo iaalay
ngunit gano’n na lang wala kong nagawa
nang lumayo ka pumunta sa ibang bansa

[verse 4]
matagal na panahon tayong ‘di nagkita
hindi ko alam kung uuwi ka pa
umaasa pa rin na tayo pang dalawa
kung sa piling ko’y magbabalik ka pa
‘di ko inaasahan, tayo’y biglang nagkita
sinabi mo sa akin may mahal ka nang iba
wala ‘kong nagawa kundi ang lumuha
at ang pag~ibig ko’y nawala parang bula

[chorus]
salamat sa alaala
salamat sa ‘yo, sinta
tamis ng ‘yong mga labi
alaala ko sa t’wina
hindi ko malilimutan
tamis ng ating sumpaan
kahit dagling naparam
salamat sa ‘yo, hirang
[verse 5]
bakas pa sa isip ko ang iyong mga ngiti
kasa~kasama ka sa bawat sandali
ang lig~yang nadama ay hindi ko malimutan
ang pangako sa isa’t~isa’y kapwa nagmamahalan
‘pag ika’y kapiling ko at in love na in love
parang nasa cloud 9 ,heaven above
tunay na pag~ibig ko sa ‘yo lang nakalaan
kahit tamaan ng kidlat pangako ko ‘yan

[verse 6]
kahit pa tumanda na, buhok ay pumuti na
‘di pa rin maalis ang sweetness sa isa’t isa
kaya mahal, kahit nasaan ka man
pangako ko sa ‘yo hinding~hindi ka kakalimutan
dahil bihira lang ang isang katulad mo
na magmahal sa akin ng todo~todo
kaya salamat, baby, sa alaala
sumpa ko sa ‘yo, ikaw lang ang nag~iisa

[chorus]
salamat sa alaala
salamat sa ‘yo sinta
tamis ng ‘yong mga labi
alaala ko sa t’wina
hindi ko malilimutan
tamis ng ating sumpaan
kahit dagling naparam
salamat sa ‘yo, hirang
[outro]
kahit dagling naparam
salamat sa ‘yo, hirang


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...