lirik lagu jude the zaint – adios
bawat paglisan katumbas nito’y bagong pag~asa
kaya’t naging manhid na sa mga sugat na natamasa
ito’y ligid sa masang mistulang walang panlasa
ayaw tikman ang mga bagong tinag~y ko sa tasa
kaya’t masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
walang makita na liwanag na malalagusan
at hindi na mapapawi ang uhaw nang lalamunan
tanging sandigan ang ilang ulong naniniwala
pero batid ang paghatak ng mga namiminsala
kaya’t ang pundasyon ay nagkaroon nang pagrupok
napanghinaan na nang loob di pa man nakaabot nang tuktok
kaya’t masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
walang makita na bituwin na sa kanya’y kikinang
kaya’t napilitan na humimod nang magkasilbi lang
ganyan kahirap kung iyo lamang na susumahin
bawat galaw mo at ambag kanilang susukatin
dito ibabase ang respetong iyong kukuhanin
at kapag nakitaan ng gilas ikaw ay tutulakin
kaya’t masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
walang makita na rason para manatili
dumami lamang ang tanong sa kaniyang sarili
kaya’t masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
walang makita na liwanag na malalagusan
at hindi na mapapawi ang uhaw nang lalamunan
kaya’t masisisi mo ba na ang ilan ay lumisan?
dahil kahit anong galing at pyesang makatuwiran
walang makita na bituwin na sa kanya’y kikinang
kaya’t napilitan na humimod magkasilbi lang
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu monrath & mila – nachtbus
- lirik lagu キズナアイ (kizuna ai) – first light
- lirik lagu nicolette hayford – we all drink
- lirik lagu hórus beatz – damião
- lirik lagu farby – fotm
- lirik lagu zee6 – bandz gone
- lirik lagu free rezy – used to
- lirik lagu sonny and the sunshine bandits – this house is empty
- lirik lagu thomas rett – things dad do
- lirik lagu lil yachty – only in my dreams