lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu himig heswita – hangarin ng puso ko yahweh

Loading...

hangarin ng puso ko, yahweh
makapagkaisang loob sa ‘n’yo nang lubusan at taimtiman

mapalad s’yang hindi naaakit ng masama
sa palalong buhay ‘di mapariwara
kayo’y nais n’yang kapisan at tinig n’yo’y lagging hanap
galak n’yang kayo ay matagpuan gabi at araw

hangarin ng puso ko, yahweh
makapagkaisang loob sa ‘n’yo nang lubusan at taimtiman

katulad n’ya’y luntiang punong nakatanim
katabi ng umaagos na batis
ang bawat niyang mithiin, ang bawat niyang gawain
nagtatagumpay, nagbubunga ng kapayapaan

hangarin ng puso ko, yahweh
makapagkaisang loob sa ’n’yo nang lubusan at taimtiman

hangarin ng puso ko, o yahweh ng buhay ko
masumpungan ka sa sangnilikha nang habambuhay

hangarin ng puso ko, yahweh
makapagkaisang loob sa ’n’yo nang lubusan at taimtiman

hangrin ng puso ko yahweh, (hangarin ng buhay ko yahweh)
magkaisa ang loob ko sa inyo


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...