lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu grhym3z – d.mlmtn

Loading...

chorus :

bakit binalikan nakaraan
wala bang iba lagi nalang ganyan?
bakit binalikan nakaraan
bakit pa? bakit pa? bakit pa natin binalikan?

verse :

nagsimula ang storya, nang ikaw ay makita
nagbig~y liwanag sa madilim na kweba rumekta agad sayo at ika’y kinausap
ikaw ang hanaphanap sa pagmulat ng talukap

nagsisilbing bituin sa langit na, madilim
mundo’y tumigil nangsa mata ikay tumingin hangin, ay humampas sating dalawa
at sa pagkurap ko nga ay nawala ka na pala

di ko na alam kung ano ba talagang nangyari
lumisan kang bigla at sakin hindi manlang nagsabi
hiling ko lang na sanay magiingat kang palagi
dahil di ko malimutan yong mga halik sa labi

noon sumasakit ang tyan sa di mabilang na pagtawa tawa lang ng tawa hanggang sa tayong dalaway magsawa sa wakas na dumating akoy di makapaniwalang
naniwala lang ako sayong mga pangakong sala

chorus :
bakit binalikan nakaraan
wala bang iba lagi nalang ganyan?
bakit binalikan nakaraan
bakit pa? bakit pa? bakit pa natin binalikan?

verse :

umaraw sa ulan, hindi inaasahan
mata nating muli bigla nalang nagkatinginan
di ko mapigilan na ikaw ay di titigan
bumabalik lahat mga pangakong binitawan

at ako ay napaisip nang bigla ka ngang lumapit
yumakap kang bigla, nang may mahigpit pa na kapit
pilit, kong nilimot ang mga sakit dahil sayong sinambit na tayo nalang ulit

bakit? dikoma intindihan, bigat sa nakaraan bigla nang gumaan parang hinipan lang ng hangin kasiyahan lumamang at humiling ako sa langit na sana ganito nalang

lumipas ang mga araw na tayo ay masaya
luha sa mga mata’y bigla nang nawala
di mapigil ang ngiti’t aking pagkatuwa
ako man ay masaya ngunit bakit may kaba?

malamig ang panahon bakit akoy pinagpawisan
iwasan mang isipin na ikay muling lilisan
labisan man damdamin ako ay iyong iiwan
pakiramdam lang ito bakit naging katotohanan
magtatapos ang storya, hindi ka na nakita
nabulag nang tuluyan sa, madilim na kweba
naisip, kong hindi ako makakalaya
kung patuloy pang ipilit ang matagal na ngang wala

chorus :

bakit binalikan nakaraan
wala bang iba lagi nalang ganyan?
bakit binalikan nakaraan
bakit pa? bakit pa? bakit pa natin binalikan?


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...