lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu fred engay – buntala

Loading...

dito sa mundong ito
bahaghari ang dahon ng mga puno
bulaklak di masasamyo

ang malalanghap mo lang
ay awit ng paru~parong nagsusumamo
uhaw sa pag~suyo

di ko rin naman naisip
na ito pala’y isang panaginip
walang naiinip
walang naghihintay, nasasaktan o di kaya’y nagbubulag~bugan
walang kapalaran

pero dito tayo masaya
pero dito tayo nagsama
sa panandaliang kislot ng laman
at nagbabagang pagsamba

gigising na at aalis
kailangan nang ubusin ang apoy sa batis
kaya bang matiis
sayang lang at dito ay walang pumapatak
at umaagos na luha
buntala’y mawawala

pero dito tayo masaya
pero dito tayo nagsama
sa panandaliang kislot ng laman
at nagbabagang pagsamba

pag~ibig nga ba
pag~ibig ba talaga
o kabulastugang buntala

buntala
buntala
buntala
buntala
buntala

pero dito tayo masaya
pero dito tayo nagsama
sa panandaliang kislot ng laman
at nagbabagang pagsamba


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...