lirik lagu ericson acosta – isang minutong katahimikan
sa gitna ng pagtatalumpati
ng nagdadalamhati
ay may panawagan sa lahat ng kaibigan
isang minuto ng katahimikan
isang minuto ng katahimikan
narinig ko
ang pagpatak ng luha sa dahon ng makahiya
narinig ko
ang paglukso’t pagaspas ng ulilang lang~ylang~yan
narinig ko
ang panghihinayang ng ama sa anak
na ibinuwal nang walang kalaban~laban
narinig ko
narinig ko
sa gitna ng pagtatalumpati
ng nagdadalamhati
ay may panawagan sa lahat ng kaibigan
isang minuto ng katahimikan
isang minuto ng katahimikan
at narinig ko
ang buntong~hininga na nagpalangitngit sa kawayanan
narinig ko
ang pahayag ng pakikiisa ng mga kuliglig
narinig ko
ang pagmamalaki ng ina sa anak
na hanggang sa huling hininga ay lumaban
narinig ko
narinig ko
at narinig ko
ang pagbuhos ng ilog sa lawa at sa dagat
narinig ko
ang paghampas ng alon sa bato ng mga baybayin
narinig ko
ang takot sa dasal ng maysala pagkat
dumarami pa ang mga lumalaban
narinig ko
narinig ko
naririnig ko sa bawat pusong nagluluksa
ang yabag ng laksa
nagbababala
naririnig ko sa bisig ng api’t dalita
ang pintig ng digma
rumaragasa
narinig ko na ng~yun pa lang
o kay bigat ng pagguho
ang muhon at pader
ng palasyo’t k~rs~l
(guguho, guguho, guguho)
narinig ko na ng~yun pa lang
o kay tapat na pangako
na sa ating lakas
may paglayang wagas
(pangako, pangako, pangako)
narinig ko na
narinig ko na
narinig ko na
narinig ko na
narinig ko na
narinig niyo
may panawagan sa lahat ng kaibigan
kinabukasan ang kapayapaan
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu upchurch – winda tint
- lirik lagu gaither vocal band – walk with danger
- lirik lagu newton faulkner – i hate mondays
- lirik lagu μηδενιστής (midenistis) – πρώτη νύχτα (proti nihta)
- lirik lagu nani (2neat) – socioeconomic state of gabon
- lirik lagu demi the daredevil – heaven doesn’t know my name
- lirik lagu govorukhin – в клуб
- lirik lagu vestron vulture – drowning in damnation (punk rock and unrequited love)
- lirik lagu scott krippayne – i want to know you more
- lirik lagu guns n’ roses – bad apples (2022 remaster)