lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu crisone – 44 gloc-9 challenge goodson remix

Loading...

[verse]
sino bako? di na bago! may bagong pakikinggan
sa paglikha ay matiyaga adhikain masumpungan
ang mapabilang sa listahan ng mga mabibilis
buong mundo kikilalanin na may dilang mabangis
ngunit hindi sa paraan para mang apak ng iba
sa pang apat na baitang akoy ng pang lima
kung saan hindi masisid malalim ang kataga
sa pag dura ng metapora pandinig mo’y mura pa
sino bako? di na bago! may bagong pakikinggan
sa pamamagitan ng lengwahe musika’t panitikan
hinahayag mga mensahe gamit ang melodiya
upang ipabatid ibang tunog na ma’y ideya
sa kapwa ko musikero dapat meron kang respeto
kahit sa anong aspeto lalong~lalo sa dongalo
mapa luma’t mapa bago naka nakadalumat na ang singko
iginuhit sa kwaderno tula mailikha ko
bago marating ang mga bag~y na ito ay talaga naman maraming tumaliwas
saking mga dinaanang pasulong matulin na kataga di madaling maibigkas
bawat silaba ko maipinta puntong walang makaunawa
bagaman kulang halimbawa kaya’t hindi nila makuha
ang nais nilikha na sining sa utak nila’y ng~yon ay gumigising
parang kape na barako! kada tugmaan nasa damdamin
kaisipan ng mga talata dinadakila nako ng matatanda
sa kalangitan naka tulala balang araw makakasama ang tala
subalit ng~yon nagka~totoo na hindi lang kasama’t ka grupo ka
dati sa isa kong inadikha mapasama sa alagad ng musika
hindi ilusyon tunay nasa mata kalakip ng aking mga pag tiya~tiyaga
ang mapabilang maging uliran sa mga sulatan ay maging bihasa
dalubhasa na makata walang maka talos sa mga ginawa ko tingnan moko singko nako sa kabilisan ng mga salita sino bako di na bago mala makina, namutawi sa labe ko titik na binubuga na tila kritiko
diko na kailangan pa huminga para masambit ang mga kataga
pipilasin ang mga pahinga ng katamaran kong mga pahina
hanggang mabuksan ang pintuan ako’y pinakinggan
ni siobal d hambog ng sagpro ay karangalan
ang mapa mura sa kantang pamagat ay gg
malay mo balang araw sa collab ako’y masali
tanging hangarin ko lamang maging tulad ni sabotahe
susundan kanyang yapak mga payo’t mga mensahe
bumukas saking mata kung anong kahulugan
at halaga ng sulatan sa iba maging huwaran
marahil marameng dagok di rason sa pag hinto
bagkos laging nasa ilalim ang diyamante at ginto
patuloy lang sa pag lakbay basta’t tama ang tinatahak
landasin usisain piliin maging payak
sa bawat mga pangarap may oras ang tagumpay
hindi palaging kanila dapat matutong mag hintay
parang daliri sa kamay tayo di pantay pantay
may kanya kanyang dahilan istado ng bawat buhay


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...