lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu adie (phl) – paumanhin

Loading...

[intro: adie]
‘di pa ba halata na gusto na kita?
‘di pa ba halata na gusto na kita?
‘di pa ba halata na gusto na kita?

[verse 1: adie]
kalaunan nagsilbi kang
silungan sa gabing maulan
kapalaran ay nagpasya
‘di naman sinasadya na
masilayan nang malapitan
sa presensya mo, ako’y dalang~dala
aba, teka parang may mali
hindi ito madali, eh

[pre~chorus: adie]
‘di lubos maisip ang kahahantungan
sa kadahilanang may hadlang sa nais simulan

[chorus: adie]
paumanhin
kung pipilitin pa rin na sundin ang damdamin
anong gagawin?
kung hindi ka talaga para sa akin
paumanhin
para sa kapakanan ng pag~ibig
kasalanan man ang manaig
kung hindi man palarin
nawa’y ako ay patawarin
kung sa’king panaginip
tayong dalawa
[verse 2: flow g]
balewala ang nasa paligid
sasabihin ko kung anong gusto kong sabihin
‘di mahalaga kung ‘nong iba ano isipin
kasi ang sarili, ‘di na nga masisi, ‘di ko pa mapigil
‘di ko maturuan na ikaw ay layuan
kahit masama mapalapit, mga natutunan ko ikaw ang dahilan
minsan masarap magkamali (word)
sa iba ka man nakalaan, gagawa ako ng paraan
ayaw na kitang pakawalan, dahil sa’yo na napamahal

[pre~chorus: adie]
‘di lubos maisip ang kahahantungan
sa kadahilanang may hadlang sa nais simulan

[chorus: adie]
paumanhin
kung pipilitin pa rin na sundin ang damdamin
(lihim na ‘di maamin~amin, lihim na ‘di maamin~amin)
anong gagawin?
kung hindi ka talaga para sa akin
(‘di pa ba halata na gusto nga kita?)
paumanhin
para sa kapakanan ng pag~ibig
kasalanan man ang manaig
kung hindi man palarin
nawa’y ako ay patawarin
kung sa’kin panaginip
tayong dalawa
[outro: adie]
paumanhin kung iibigin ka nang palihim
paumanhin kung iibigin ka nang palihim
paumanhin kung iibigin ka nang palihim
paumanhin kung iibigin kita, ah
paumanhin kung iibigin ka nang palihim (woah)
paumahin, hmm, paumanhin


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...