lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu yoyoy villame - likas yaman

Loading...

[verse 1]
itong ating bayan, kay gandang pagmasdan
noong araw ngang marami pang luntiang kalikasan
malalaking puno ng ating kagubatan
ngayo’y naubos na at kalbo na ang kabundukan

[verse 2]
mga yantok at nito, kawayan at buho
‘yan ang unang kinabubuhay ng ating mga ninuno
mga mina ng bakal, mga pilak at ginto
ngayo’y kakaunti na at malapit nang maglaho

[chorus]
paano na ngayon itong ating kabataan?
mga likas yama’y wala na silang maabutan
pati lamang dagat ngayo’y kinatatakutan
polluted na ng red tide ang karagatan

[verse 3]
lahat ng likas yaman ay bigay ng maykapal
para sana sa ating lahat na makikinabangan
nag~uso ang smuggling, puslit kaliwa’t kanan
malalaking pinoy ay nakikipagsabwatan

[chorus]
paano na ngayon itong ating kabataan?
mga likas yama’y wala na silang maabutan
pati lamang dagat ngayo’y kinatatakutan
polluted na ng red tide ang karagatan
[verse 4]
naghirap ang bundok, nangaagnas na ang lupa
kung tag~ulan wala ng mga puno na sasangga
mga tao at tanim, inaanod na ng baha
hanggang nagkasiksikan na dito sa maynila

[chorus]
paano na ngayon itong ating kabataan?
mga likas yama’y wala na silang maabutan
pati lamang dagat ngayo’y kinatatakutan
polluted na ng red tide ang karagatan

[verse 5]
kaya mga kababayan, tayo’y m~n~langin
sakit ng bayan diyos lamang ang siyang magpapagaling
mga likas yaman huwag na sanang nakawin
ating sariling bayan huwag na sanang dayain


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...