lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu ulap - buntong-hininga

Loading...

marami na ‘kong oras na ginugugol pero lahat ay nasayang (nasayang)
hindi ko maiwasang umiling na lang, nakakapanghinayang (hinayang)
ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni kasaysayan (sayang)

isang umagang kay ganda nang ako ay nagising
sikat ng araw ang tumambad sa aking paningin
bagong araw na naman ano ang bagong gagawin
kain tulog na lang ba bago tumitig sa salamin

hay, ganito na lang ba palagi?
araw~araw na lang ang gising ay tinatanghali
ayaw nang sumubok o kahit magbaka~sakali
dahil sa isang sulok ng~yon ako’y nakatali

mabangis na tupang itim
ang dati na kambing na pinayakap sa dilim
nais ko lang naman sanang subukang magmalalim
sa pananaw kasi nila mas malalim mas matalim

utak~sipon ay isinga
kung mulat sana ang lahat ng tao ay “easy” na
sa buhay, hangad ko na sana laging mapahinga
at nang hindi na humaba pa aking buntong hininga

marami na ‘kong oras na ginugugol pero lahat ay nasayang (nasayang)
hindi ko maiwasang umiling na lang, nakakapanghinayang (hinayang)
ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni kasaysayan (sayang)
lahat ay nasayang (sayang)
nakakapanghinayang (hinayang)
ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni kasaysayan (sayang)

walang araw na lumipas na hindi ako nabagot
hinihintay dumating ang hinahanap ko na sagot
na hindi lahat ng bawal, masama na panggamot
nagiging masama ang bawal kung wala ng maabot

bakit ba ganyan mag~isip
ang mga nasa trono na madalas kung maiglip?
kaming uhaw sa pagbabago’y labis nang naiinip
darating ang araw, patak na lang ating maiigib

hindi ka ba nababahala?
ang mayayaman salapi nila ay naglalawa
habang mahihirap lalo ng nagiging kawawa
ganto ang buhay sa bansa, talagang nakakasawa

imulat ang iyong mata
suriin mong mabuti ang sinulat kong kanta
gugustohin mo na lang din sana mapahinga
dahil walang magagawa kundi magbuntong hininga, ’tang ina!

marami na ‘kong oras na ginugugol pero lahat ay nasayang (nasayang)
hindi ko maiwasang umiling na lang, nakakapanghinayang (hinayang)
ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni kasaysayan (sayang)
lahat ay nasayang (sayang)
nakakapanghinayang (hinayang)
ipihit ko man ang kamay ng orasan pabalik sa panahong makabuluhan
hindi ko na mapigil ang pagsulat ng kamay ni kasaysayan (sayang)

lahat ay nasayang (sayang)
nakakapanghinayang (hinayang)


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...