lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu tito, vic & joey - upakan (dialogo)

Loading...

[verse 1]
akala ko ba’y ako ang mahal mo
at ako lang ang siyang buhay mo
at hindi mo ako maipagpapalit sa iba

[verse 2]
ngunit bakit ngayo’y bigla kang nagbago
iba na ang mga kilos mo
at pati ang pananamit mo ay nag~iiba na

[chorus]
oh, talagang nagbago ka na
at ikaw ay nagsasawa na
siguro ay mayroon ka nang mahal na iba

[verse 3: joey de leon]
talagang ‘di na kita maipagpapalit
‘pagkat walang tatanggap sa ‘yo
kung baga sa alahas, ikaw ay puwit ng baso

[verse 4: joey de leon]
aking pananamit, talagang nagbago
‘pagkat marami akong bago
at marami ‘kong nasungkit na mga damit kagabi

[chorus: joey de leon]
oh, talagang may bago na ‘ko
at ikaw ay ayaw ko na
‘pagkat ‘pag tayo’y magkasama’y mas pogi ka
[verse 5]
walang hiya ka talagang hudas ka
wala kang utang na loob
matapos mong huthutin, ako ay iiwan mo

[verse 6: joey de leon]
at ano naman ang mga nahuthot ko
kundi ang lahat ng baho mo
kung kaya lang ako nakasal nilasing mo ako

[chorus]
oh, huwag na tayong magtalo
at lalo lang nagugulo
at para matapos na, magsaksakan na tayo

[outro]
joey de leon,
eto iyo
aray ko
eto naman ang iyo
aray ko rin
eto pa ulit ang isa
etong pangalawa
aba, nakikiliti ka, ah
eto pa ulit (hahaha)


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...