lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu the juans - kahon

Loading...

kahon lyrics
[chorus]
tulungan niyo ako, kung sinong mang nand’yan
nahihirapan na, paulit~ulit na lang
hindi makahinga, hindi makagalaw
nawawalan na ng pag~asa

[verse 1]
nanggigigil ‘di malaman anong dulot ng pait
pinipilit, hinahanap ang sagot sa hinagpis
iniisip mga dahilan kung bakit ka pinakawalan
tila ba nasayang lang ang ating mga nasimulan
gusto ko sumabog kay bigat ng aking puso
hindi rin makatulog parang ako ay nasusunog
mga sigaw sa isipan ayoko nang pakinggan
sawa na sa nakasanayan, gusto ko nang kalimutan
mga bag~y na pinagsisisihan ‘di na mababalikan
ayoko ng pag~usapan, wala ring patutunguhan
nahihirapang bumangon, kailan kaya ko aahon
para akong nasa kahon na kay tagal na ng nakakulong

[bridge]
gulong~gulong~gulo, tulungan niyo ako
gulong~gulong~gulo

[chorus]
tulungan niyo ako, kung sinong mang nand’yan
nahihirapan na, paulit~ulit na lang
hindi makahinga, hindi makagalaw
nawawalan na ng pag~asa
[outro]
tulungan niyo ako, kung sino mang nand’yan
buksan niyo ang pinto, nakikiusap lamang
hindi makahinga, hindi makagalaw
gusto ko lang namang makawala sa dilim


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...