lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu tema (phl) - mahimbing

Loading...

[verse 1]
sana mahimbing ang tulog mo ng~yon
at nang mabawasan ang pait ng kahapon
kahit man lang sana sa’yong paghiga
ay payapa

[verse 2]
bitawan mo muna ang iyong mga dala
at nang mabawasan ang bigat na nadarama
‘wag ka munang mag~isip
hayaan ang pusong maidlip

[pre~chorus]
kaya isuko mo muna
ang lahat ng iyong pasan
hayaang maghilom
ang mga sugat mula sa nakaraan

[chorus]
itulog mo muna nang mahimbing
darating din ang umagang
aayon sa ‘yong mga dalangin
itulog mo muna nang mahimbing
oo, kaya mo pa
ngunit kailangan mo ring magpahinga
nang mahimbing
[verse 3]
‘wag mong pigilan ang iyong mga luha
matatapos din ang iyong mga pangangamba
taliwas man ang ikot ng mundo
kakayanin mo

[verse 4]
at kung nalulunod ka na
‘wag kang mabahalang humingi ng tulong sa iba
maraming nagmamahal sa ‘yo, oh, oh

[chorus]
itulog mo muna nang mahimbing
darating din ang umagang
aayon sa ‘yong mga dalangin
itulog mo muna nang mahimbing
oo, ikaw ay matatag
ngunit kailangan mo ring magpahinga
nang mahimbing

[outro]
nang mahimbing
nang mahimbing
nang mahimbing
nang mahimbing


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...