lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu switchbitch - 99

Loading...

tuloy ang ugong ng makinang di natigil
dugot butot laman na lamang pero siya marahil ay bakal
bakal, sa pangingikil ng makinang hangal
sa kanlang kalaw~ng gintong kalakal iniluwal

di minsan naaninag ang ambag niyang kinang
tila ba walang pulso’t di k~makalam
isang hamak na bakal, natulak umangal, humawak ng bakal
tinutok, natigil ang ugong ng makinang hangal

di nagkulang sa pagsusunog ng kilay
uliran, uliran, hiwalay sa katotohanan
ani nila’y pag~asa at kinabukasan
di man lang maipinta, mailarawan

sindihan, sindihan, baguhin ang nakasanayan
ilubog ang kamay sa lupa
doon lang maaaninag ang
alab ng kinabukasan
nililikha kasama masa
maglilingkod, makikiisa
umaaklas, sisilaban mga pasista

nakabakaod na raw mula rito gang abot tanaw
labag man sa katangian ng karagatang sinaklaw
para bang di gumagalaw, para bang di buhay ang tubig
pilit na sinisilid, sinariling panakaw, ang lawak at lawig
kung sa huling unos, ang mga alon ay humampas
at nadurog nito ang mga bakod at sa wakas
kung muling aagos ito para sa lahat
masisisi mo ba ang tubig
kung hinding hindi na muli palulupig

kabisado patag, kabisado kabundukan
beterano sa lupang dedikadong nililinang
ito ang bumubuhay; tila walang malay na hinga
banta gamit bala, delikado kung di lumisan

ano pang natitira? ha? ano pang natitira? ha
di naman makasalanan, pinagnanakawan
bakit ganito tila buong buhay nagdurusa
kabisado bawat daan, lahat ng taguan
di mo ba alam
beterano sa lupang, dating sakahan ginawa niyong pangdigmaan

ayan na, ayan na, ayan na
ubos na ubos na
magugulat bang tumangan
ang tinulak niyong lumabang
‘lang natitira
ayan na ayan na ayan na ayan na ayan na shhh

magdahandahan sa bawat yapak
pangibabawan ang alinlangan
humalaw ng lakas, higpitan kapit sa talas
kasama, antayin mo ang senyas
kakasa na at bibigwas
hingang malalim, wag mo sayangin
bala satin binilin ng masang anakpawis
panatag loob, tiyak ang pagkubkob

ayan na ayan na
pinanday ng alab ng taumbayan
tatambang sa mga parang
rumaragasang unos sa kanayunan
ayan na ayan na


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...