lirik lagu sub a of systmtc music - solusyon
gabt:
sobrang dami ng problemang bumabalot sa’ting isip
wala namang humihirit para mabago ang ihip
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
deiville:
ating pag usapan nang inyong maunawaan
ang lumalaganap na karahasan
ang biktima mga kabataan na walang kamalayan
sa panganib at tukso ng makamundong kaisipan
mangmang na kritiko (sarado ang isipan)
matang nakapikit (nagbubulag~bulagan)
sa dalaga na binaboy natagpuan sa talahiban
buhay na iniingatan biglang kinitilan
hayan na ang pulisya, meron kayang hustisya
na ipapataw sa salarin na nababalot ng malisya
dipende sa hapunan ng matatakaw na buwaya
pakainin mo ng ginto siguradong ika’y makakaasa
sa gobyernong ganito sila ang tunay na problema
gumagana lang ang makina ‘pag hinulugan ng barya
sa timbangan ng katarungan ang balanse’y di pantay
dahil tumitimbang ito ‘pag meron ka lang inilag~y
gabt:
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
systmtc:
bakit ka ba napapagod, may nagtutulak sayo
bakit ka pa matatakot, kung may tagasalo
kahit anong gawin sa madilim ay walang sabit ‘to
hindi pwedeng madiin pagkat kapitan ang kapit mo
may laban ba ako, walang pambayad sa inyo
mabibig~y ko lang ay oras ko, ito’y ginto
palapit na ba hangarin ko, bat ganito?
di na ba darating ang nais ko, ako si hachiko
naaakit mo ang abogadong abusado na
naaamoy ang pera kahit sa’ng lupalop pa
nanggaling salapi na baka maging bato pa
nilunok na ang dangal kaso kasuka~suka
sa panahon ng~yon, hindi na pantay
sanga~sangang koneksyon meron lang tayong tangkay
bayad ng pera ang hustisya mong inaantay
kasi sa buhay mahirap lang ang bawal sumablay
gabt:
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
jt:
bayan kong pilipinas aking lupang sinilangan
ano ba ang nangyari sa’yo bakit lahat nahihirapan?
mga walang trabaho, nakatambay nalang sa kanto
away dito’t doon laging basagan ng ulo
kailan ba matatapos kahirapan na natatamo?
bawat pilipino napakahirap umasenso
walang hanggang trabaho ang ating natatamo
sa malalaking pangalan sila lang ang umaasenso
dito sa’ming bayan marami kang malalaman
mga tao pinapatay kahit walang kasalanan
mga bantang umiindak matamo ang kasikatan
mga eskalawag na nang kwenta sila pa ang matatapang
balang araw boses ko’y magiging pala~isipan
ating labanan mga negatibong hindi kailangan
pagkat naman ito’y kabutihan nang karamihan
at para sa mga bayani na di masayang ang pinaghirapan
gabt:
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
pakita mo, pag asa’t determinasyon
bigyan mo ko, bigyan mo ‘kong solusyon
sobrang dami ng problemang bumabalot sa’ting isip
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu charlie be nice - is it us or is it just me
- lirik lagu lukorito & mr. lu - magwezmbe
- lirik lagu vengeance (hc) - rattle snake
- lirik lagu chap d - the leftside
- lirik lagu kamazz - не исправила
- lirik lagu jvck james - full speed
- lirik lagu מאיה בוסקילה - shoveret shtika - שוברת שתיקה - maya buskila
- lirik lagu john donne (folk) - potemkin village
- lirik lagu irina - loputon kaipuu
- lirik lagu quinn ayers - on my own