lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu smugglaz - propesiya

Loading...

[chorus]
balang araw darating
araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
kung saan lahat mapapraning
sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay
oo, magmula nung una, bira’y laging sagad (laging sagad)
dami man ng duda ay pinanis ang lahat
(panis lahat)
hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma
ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat
na balang araw darating

[post~chorus]
balang araw darating
balang araw darating
darating!
araw na pinakamatagal mo nang hinihintay

[verse 1]
‘di mauubusan ng rason at dahilan bakit ba
anumang papelan sa ilan, iba ang kulay ng kanyang tinta
bumakat, tumagos, nagdikta
pamamagitan ng mga awit nya
‘wag ka lang sumuko, dahil sinusubok tayo lalo pag malapit na
oo, ramdam ko na araw kong pinakahihintay
kung saan mga peke’t tunay sa ‘kin tila mabibistay
sa aking pag~iingay
pagtayo sa gitna ng mga kontra nung una
at mga duda sa gilid naman
ang tahimik na hihimlay
‘yung mga ayaw maniwala
sa apoy ko’y ginaw~ng panggatong na uling
minaliit ang habang bitbit
ang kasabihan, “walang malaking nakakapuwing”
mata sa mata, kapag diniretsyo mo naman ng tingin ay mga naduduling
ugali n’yong madusing
ang patunay na anumang karangalan sa ‘kin ay kahihiyan n’yong matuturing
[pre~chorus]
pangarap nga ba o tadhana?
resulta o nakatakda na?
sadya na talo, inip, dapat handa ka
kabiguan ma’y nagbanta, tagumpay ay nangakong…

[chorus]
balang araw darating
araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
kung saan lahat mapapraning
sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay
oo, magmula nung una, bira’y laging sagad
(laging sagad)
dami man ng duda ay pinanis ang lahat
(panis lahat)
hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma
ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat
na balang araw darating

[post~chorus]
balang araw darating
balang araw darating
darating!
araw na pinakamatagal mo nang hinihintay

[verse 2]
‘di mauubusan, na para bang walang limitasyon
gasolinang karga ng panginoon at ng mga inspirasyon
tibay, tapang, at dedikasyon lang ang baon saan mang destinasyon
tadyak sa pinto papasok, kung di kaya—katok kahit na walang imbitasyon
ano ramdam mo, ‘b?
tila ibang level at antas
nginig ng mga kalamnan ko ngayong gigil na makaalpas
mga hirap kong danas, magbigyan ng hustisya
sa kwento, pagbwelo na parang tren—walang preno
o bueno, ‘di mapapaatras
‘yung mga sa ‘kin naniwala
sa mga inihain ko na panukala
mula nung ako’y pinangarap lumipad
hanggang sa amat ay bumaba
tumaya, rumespeto at humanga, ‘ge, ako bahala, walang halong daya
asintado nako, matik ang timano
sapol sa ‘kin areglado, balang araw ‘pag tumama
[pre~chorus]
pangarap nga ba o tadhana?
resulta o nakatakda na?
sadya na talo, inip, dapat handa ka
kabiguan ma’y nagbanta, tagumpay ay nangakong…

[chorus]
balang araw darating
araw na pinakamatagal mo nang hinihintay
kung saan lahat mapapraning
sa sukli ng mga sakripisyo mong ibinigay
oo magmula nung una, bira’y laging sagad
(laging sagad)
dami man ng duda ay pinanis ang lahat
(panis lahat)
hanggang sa aking makuha, gamit ang aking pluma
ginuhit ko ang propesiya sa aking aklat
na balang araw darating

[post~chorus]
balang araw darating
balang araw darating
darating!
araw na pinakamatagal mo nang hinihintay


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...