lirik lagu singsing (phl) - pahamak na alak
[verse 1]
wala ka pa sa tamang gulang
upang sumabak na sa inuman
‘kala mo ba ay masaya
kapag ang tao’y lasing na
[pre~chorus]
sa paglakad, pagew~ng~gew~ng
kahit saan ang tutunguhan
kadalasa’y nadarapa, nasaktan na, nabukulan pa
at ang mukha’y pasa~pasa
[chorus]
pahamak na alak, walang dulot na kabutihan
panira pa sa kabataan
pahamak na alak, wala na ngang pakinabang
katuwiran pa’y winawasak~wasak
[verse 2]
umiikot, buong paligid
naninikip pa ang ‘yong dibdib
masarap man ang pinulutan
iluluwa mo rin iyan
[pre~chorus]
bata ka pa, o, kaibigan
paglalasing ay ‘di aliwan
kadalasa’y nadarapa, nasaktan na, nabukulan pa
at ang mukha’y pasa~pasa
[chorus]
pahamak na alak, kung nais mo ay kalusugan
‘yan ay iyong iiwasan
pahamak na alak, kung ayaw mo ng basag~ulo
ang awit ko ay dinggin mo
pahamak na alak, walang dulot na kabutihan
panira pa sa kabataan
pahamak na alak, wala na ngang pakinabang
katuwiran pa’y winawasak~wasak
pahamak na alak, kung nais mo ay kalusugan
‘yan ay iyong iiwasan
pahamak na alak, kung ayaw mo ng basag~ulo
ang awit ko ay dinggin mo, dinggin mo, dinggin mo
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu matter halo - performance in a dream
- lirik lagu detty kurnia - rayak rayak
- lirik lagu pandaraps - sticks (interlude)
- lirik lagu e.m.i.l. (ro) - 2 a.m.
- lirik lagu superp0s - mouse traps
- lirik lagu saluki - alive!
- lirik lagu domm. & szaravy - new beginning
- lirik lagu meernaa - as many birds flying
- lirik lagu dolly parton - open arms
- lirik lagu tommy cash (us) - do what you do, do well