lirik lagu siklomalib - dugo ng panahon
sa liwanag at dilim, doon sila nagmumula
apoy na di namamatay, dala~dala ng mga alaala
dugong naghalong libo, lahing nagdurugtong
sa bawat salinglahi, may unos na sumusulong
sila ang aninong tumatakbo sa paanan ng panahon
nagbabangggaan ang ugat sa iisang direksiyon
dugo umaagos sa bawat henerasyon
nagpapalit ng anyo pero iisa ang pinagmunang
sa pagkasira, may panibagong mundong sumisibol
sila ang siklong pumipintig sa puso ng bagyo’t sigaw
lupang pinag~agawan, pangalang naglaho’t lumitaw
kasaysayang pira~piraso, pilit nilang binubuo’t sinisigaw
naghalo ang alitan, kapangyarihan, at galaw
hanggang yang katahimikan ay panaginip na lang sa araw
at sa bawat yugto, sila ang unang sinusubok
pagkat ang dugo’y nagdadala ng init na di matutulog
at kung ang huling libro’y nananatiling walang laman
sila ang susulat hindi ang nakaraan
pagkat ang gulo’y apoy lang na nagiging daan
sa bawat abo may umuusbong na bagong pangalan
dugo umaagos, walang takbuhang ligtas
pinatitibay ng panahon, pinapanday ng unos at lakas
kung ang wakas ay di alam, sila ang huhubog nito
pagkasira, panibagong mundo
sa kanila umiikot ang pag~ikot ng siglo
kailan ito matatapos
na kung ang huling pahina ng libro ng tao ay walang nakatala
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu ziepan-p - unnamed
- lirik lagu pixelowy! - #freepixel
- lirik lagu metal de facto - across the milky way
- lirik lagu ssgkobe - let me go
- lirik lagu skinny skinzz - hero in armani
- lirik lagu edo. g - i was there
- lirik lagu joey glüten - des chiffres et des lettres
- lirik lagu режим выбора (rezhim vybora) - перевал (pereval)
- lirik lagu cid witha c - dreamscape
- lirik lagu glorysixvain - mal tiempo