lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu shirebound and busking - bulan

Loading...

[verse 1: shirebound and busking]
‘sing liwanag ng umaga
noong muli kitang makita
tayo ba ay nagkasalisi
o ikaw ba ay nagkukubli
o, bulan
matagal~tagal ka nang hindi
nasisilayan

[verse 2: shirebound and busking]
ikaw ba ay nagtatampo?
tuwing panganod ay nagtatagpo
bukas ng gabi, lalabas muli
baka sakaling
tanglaw mo’y dadampi
o, bulan
inaawitan
nagtatapang~tapangan dahil ika’y wala
mayro’n bang patutunguhan ang pagtingala?

[interlude]
ooooh
ooooh
oooh
ooooh
ooooh
oooh
[verse 3: shirebound and busking]
o, bulan
matagal~tagal ka nang hindi
nasisilayan
nagtatapang~tapangan sa kabila ng pangamba
mayro’n bang hantungan ang pag~iisa
o, bulan
ako ba’y iyong iniwan?

[verse 4: coeli]
gabi~gabing sa langit ay nakatingala
nag~aabang ang awit, didinig ay wala
dilim ay tumatangis
dinaramdam ay labis
antok nilalabanan
hinihintay ay nasaan?

[outro: coeli]
ng~yong andyan ka na
huwag nang lumisan pa
bulan


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...