lirik lagu shehyee - opo
[chorus]
sabi ng nanay ko, “anak, itigil mo ‘yan”
wala kang mapapala, kaka~kompyuter mo diyan
‘di niya maintindihan
pero okay lang ‘yan
sabi ng tatay ko, “anak, itigil mo ‘yan” (sige, opo, oo na lang)
wala kang mapapala, mag~aral ka na lang (opo, oo ka lang)
‘di niya maintindihan (opo, oo na lang)
pero okay lang ‘yan (opo, oo ka lang)
[verse 1]
uh, pasensya na, matigas ulo
umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin ‘to sa dulo
sorry, gusto ko kasi talaga
hindi ko pababayaan ang aking eskwela
kaya ‘wag ka mag~aalala
ang ganda nung umpisa, nababalanse ko pa
kahit yayain ako ng kaklaseng mag~cutting ay hindi nagpapadala
kaso lang sa paglipas ng panahon
ihip ng hangin, nag~iba
oh, pati perang pang~enroll na iyong padala, sa dota’y aking nadala
[chorus]
kaya ang sabi ng nanay ko, “anak, itigil mo ‘yan”
wala kang mapapala, kaka~kompyuter mo diyan
‘di niya maintindihan
pero okay lang ‘yan
sabi ng tatay ko, “anak, itigil mo ‘yan”
wala kang mapapala, mag~aral ka na lang
‘di niya maintindihan
pero okay lang ‘yan
[verse 2]
oh, pasensya na, matigas ulo
umoo sa umpisa pero ginawa ko pa rin ‘to
sorry, gusto ko kasi talaga
hindi ko pababayaan ang aking━
ah, basta ‘wag ka na mag~aalala
ang ganda nung umpisa, nababalanse ko pa
nais ko lang naman kasi talagang mangyari ay gumawa ng kanta
kaso lang sa paglipas ng panahon
sa battle rap na napunta
ito’t ang inyong anak na inyong minahal, andoon at pinagmumura
[chorus]
kaya ang sabi ng nanay ko, “anak, itigil mo ‘yan”
wala kang mapapala sa kakarap mo diyan
‘di niya maintindihan
pero okay lang yan
sabi ng tatay ko, “anak, itigil mo ‘yan”
wala kang mapapala, mag~aral ka na lang
‘di niya maintindihan
pero okay lang yan
[refrain]
sige, opo, oo na lang
opo, oo ka lang
opo, oo na lang
opo, oo ka lang
[verse 3]
gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
“anak, pag~aaral mo? kamusta? may bagsak ka ba?”
“‘ma, marami, dalawa lang ang aking napasa”
“joke lang, ‘ma, paano babagsak eh ‘di naman nag~enroll talaga”
gumuho ang mundo ko nung magtanong ka na
“anak, ‘yang pag~rarap mo? kamusta? nan~n~lo ka ba?”
“‘pa, palagi, ano ba ‘yan, nagtatanong ka pa?”
“joke lang, ‘pa, sampu na ang aking talo, p~n~lo ko ay dalawa”
kaya malamang sasabihin niyo na naman sa akin, dapat nakinig na ako
nakinig naman ako, hindi lang sumunod, eh, kayo, nakinig ba kayo?
‘di ba ang lagi niyong sinasabi sa akin, “dapat itigil ko na ‘to”
“hindi naman ako magaling sa ganito?”
“magaling lang kapag gagawin gusto niyo”
hindi pa nga ako tapos magpaliwanag, hindi na agad ang sagot
minsan, kahit hindi pa nga ‘ko bumabanat, hindi na agad, nakakalungkot
pero ako ay nakangiti pa rin dapat kasi kapag nagsimangot, nako ‘yari, lagot
opo, ‘di dahil merong respeto, opo, dahil takot
opo, para tapos na agad (agad) para wala nang gulo
opo, kasi ‘di ba ako’y bastos kapag ang sagot ko ay hindi niyo gusto
opo na lang, opo hanggang nakatira pa ako sa inyo
kayo ang magulang at anak lang ako
matanong ko lang, bakit? choice ko ba ‘to?
mismong aking pagkabuhay, kayo ang nagdesisyon
tapos gusto niyo pa kayo rin masunod sa mga gagawin ko ng~yon?
wala ba akong kwentang anak?
dahil dito sa aking mga sinasabi?
sana nga, eh, kaya ko ‘tong sabihin lahat
kaso sa isipan ko lang lahat ‘to nangyari (wala eh)
[chorus]
sabi ng nanay ko, “anak, itigil mo ‘yan”
wala kang mapapala, kaka~kompyuter mo diyan
‘di niya maintindihan
pero okay lang ‘yan
sabi ng tatay ko, “anak, itigil mo ‘yan”
wala kang mapapala, mag~aral ka na lang
‘di niya maintindihan
pero okay lang ‘yan
[refrain]
sige, opo, oo na lang
opo, oo ka lang
opo, oo na lang
opo, oo ka lang
sige, opo, oo na lang
opo, oo ka lang
opo, oo na lang
opo, oo ka lang
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu la forma - otra persona
- lirik lagu buster the band - going
- lirik lagu liqieboli - salem
- lirik lagu bizarrap & milo j - penas de antaño
- lirik lagu 山下達郎 (tatsuro yamashita) - paper doll (it's a poppin' time ver.)
- lirik lagu david deacon - knockin' on heaven's door
- lirik lagu mila degray - washing machine (tumble dry)
- lirik lagu blacboyy - 4u
- lirik lagu various artists - brutal (bonus track)
- lirik lagu sant (deu) - sonnenstrahlen