
lirik lagu sayadd - reseta na lukot
naaaaa!!! alayan ng pakiramdam na di basta napapagpag
nung napatalab tila ba nabangag at napalayag nagmamatyag
wala nang naidaragdag natuyo na ang nag aambag
ng kaalaman sige sapalaran at ako naman ka~kalampag
sa templo, tyempo nasa siyento ang porshento
na dala, sa sentro itinerno instrumento
pang bara, kuntento sa depekto ba’t sa presyo
nag taka o baka, nag paka abala sa walang halaga
kapag ganon kalakalan magkakaron at lalagyan
pagkakataon ay sasakyan maglulubid maghahagdan
ipag iigib pagtatakpan ang masugid na nag papasan
nang makalipad sa reyalidad kahit kaunting sandali
lilingunin pagmamasdan paluluhurin manlalaban
lilituhin patitinuin patitiklupin mandaragan
ang masunurin masasaktan at pupudpurin maglalaan
sa kalamidad ang maabilidad sa may kapasidad sawi
at mapalad silang mga nanatiling inosente
sa tunay na daloy ng programa
habang…. ang mga nagising na pasyente’y
patuloy humahanap ng kwalipikadong tagabasa
umaasa…. sa sintensya may lusot
o mabalasa ang poot na direktang nanoot
handang mapahalik sa paa pero masasagip ka nga ba
ng nasusulat…… sa reseta na lukot
verse 2:
nakapag~kabisa’t natutong pumikit sa pag suway
at lumantad na iisa ang dulo ng iba’t ibang tulay
kaagad rinebisa tayo ko sa naatasang magkulay
kinekwestyon pagrarason ng bilyong taong buhay
hangang sa mga paano at bakit ay sumapaw ang kaya
ilimitado subalit, mas k~mapit ang dala
dismayado sinapit pasalit salit na ngawa
nang masulit bawat punit hinayaang mag nana
mga bitak sa balat madumi sa mata nadala yaong kirot
nag sipag siyasat nagsuri nag tasa inalala ang limot
at ilag sa tapat ang nagsisi asang makalaya sa likod
ng liyab na kalat pero di pumasa kaisipan na may likot
tinitignang mali subok gumagana at ayos
ang pansamantala ina~akala na kapos
kung minamadali na ang ganap na pag tagos
bukas higa saraaaaaa… tapos!!!!!!!!!!!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
at mapalad silang mga nanatiling inosente
sa tunay na daloy ng programa
habang… ang mga nagising na pasyente ay
patuloy humahanap ng kwalipikadong tagabasa
umaasa.. sa sintensya may lusot
o mabalasa ang poot na direktang nanoot
handang mapahalik sa paa pero masasagip ka nga ba
ng nasusulat…… sa reseta na lukot
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~verse 3
mga letra sa puntod nakaka buo ng awit
naiwanan na layunin ay ipinapa~salo
kaalamang napag buklod ay sa wasto ba ginagamit
pagtitipon sa hanganan naway may maka dalo
kung di para mag lingkod ang dahilan kung bakit
ka humihinga sige sabihin mo ano?
nakatakda na mapundi ang bituing malapit
anong maisasalin o mapapasa mong sayo
kung di ka pa nasasaktan walang aral na kakabit
at hindi ka masasaktan kung di ka rin mananakit
kung di ka pa nalalagyan ay di ka rin masasaid
ipinahatid ng tagamasid kung di mabatid
mamatay ka
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu vortex - فورتكس - bali
- lirik lagu itezet
- lirik lagu blowfly - rap 'n blow
- lirik lagu mara sattei - giorni tristi
- lirik lagu vera jean - door 1995
- lirik lagu cent’ner - задом
- lirik lagu reminitions - thirteen ghosts
- lirik lagu dusty white - игорь-iron (igor-iron)
- lirik lagu taee reazons - play with me
- lirik lagu source guy - circus