lirik lagu rosima - sinubukan
[verse 1]
alam ko naman na ako ‘yung nagkulang
mga salitang basta binitawan
bigla ko lang nga bang tinapos? wala nga bang luhang umagos?
ikaw lang ba talaga? hindi ba’t tayong dalawa?
[chorus]
sinubukan ko namang itama, ngunit wala na
sinubukan ko namang ilaban at hawakan
ang iyong kamay, at pangakong habang buhay
kong iaalay ang lahat, ngunit ‘di pala sapat
[verse 2]
hindi nga ba talaga ‘ko lumaban
o nauna lang ba ‘ko sa ‘ting hangganan?
alam ko na no’ng una, tayong dalawa’y magsasama
sa hirap at ginhawa, ngunit ‘di pala tinadhana
[instrumental break]
[chorus]
sinubukan ko namang itama, ngunit wala na
sinubukan ko namang ilaban at hawakan
ang iyong kamay, at pangakong habang buhay
kong iaalay ang lahat
sinubukan mo namang k~mapit para sa atin
sinubukan mo namang ingatan at ‘di bitawan
ang aking kamay, at nangakong habang buhay
mong iaalay ang lahat, pero ‘di naging sapat
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu maroz - ماروز - trn trn - ترن ترن
- lirik lagu snave - undefeated
- lirik lagu muhab - مهاب - il mond - إلموند
- lirik lagu nedum4y0u & voidvoice717 - сад теней (shadow garden)
- lirik lagu fdj - dans l'69 y'a pas de sixnine
- lirik lagu bonnibell - my biggest enemy
- lirik lagu godzthedon - back at it
- lirik lagu c-zoe - the movie
- lirik lagu yvng dyxrd - 24 slash 7
- lirik lagu taylor acorn - final nail