lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu ronald piñon - tayo'y iniwanan

Loading...

sa tuwing halalan, daming sinasabi
pangakong kay ganda, parang hinabi
“para sa bayan, kayo ang mahalaga,”
pero pagkaupo, sila lang ang sagana

pondo ng bayan, saan na napunta?
sa proyekto ba, o sa mesa nila?
bukas~palad dati, ngayon ay sarado
tayo’y iniwan, sila lang ang ganado

para sa bulsa, hindi sa masa
habang tayo’y gutom, sila’y nagpipista
para sa bulsa, hindi sa bayan
pinili ang pera, tayo’y iniwanan

kalsada’y lubak, ospital kulang
eskwelahan sira, sahod kapos pa rin
pero sa opisina, ang ganda ng upuan
pati kotse bago, saan galing ‘yan?

batas ay baluktot, dikta ng mayaman
ang mahirap, walang laban, walang boses kailanman

para sa bulsa, hindi sa masa
habang tayo’y gutom, sila’y nagpipista
para sa bulsa, hindi sa bayan
pinili ang pera, tayo’y iniwanan
hanggang kailan tayo magpapaloko?
hanggang kailan mananatiling tahimik?
oras na para lumaban
dapat silang panagutin!

hindi na dapat, ‘di na papayag
ang bayan natin, hindi pambasura!
para sa masa, hindi sa bulsa
tayo naman ang dapat makinabang!


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...