lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu ronald piñon - bata pa si pinoy

Loading...

verse 1
ilang beses na tayong nadapa?
kasaysayan hindi na mabura
pagkakamali’y iniukit ng tadhana
paulit~ulit, parang sumpa

sabi ng dayuhan, tayo’y kakaiba
sabi ko, tama! pero teka—
magkaiba sa dunong, sa tiyaga
pero bakit pati puso’t isip ‘di tugma?

nalunod sa ingay ng lumang kanta
daang taon, pero ‘di natuto sa leksyon nila
kastila, kano, hapones dumaan
pero tayo pa rin, sunod~sunuran!

pre~chorus
sarili mong lupa, pero di makawala
gapos ng sistema, gapos ng masa
diyos ko patawad, kasi tila—
ang tama ‘di pinapansin, mali ang bida!

chorus
bata! bata! bata pa si pinoy!
kailan kaya mag~iisip ng tama?
bata! bata! bata pa si pinoy!
kailan kaya magkaisa nang kusa?
verse 2
buksan mo mata, tanggalin ang piring
isip bata, kaya di makausad ang layunin
kalayaan? saan natin hinahanap?
kung ugali natin parang larong pasahan!

walang pakialam, kanya~kanya
kaya ang bayan natin walang patutunguhan
sino ang tunay na nagmamahal?
kung lahat gustong maging hari sa sariling dangkal!

pre~chorus
sarili mong lupa, pero di makawala
gapos ng sistema, gapos ng masa
diyos ko patawad, kasi tila—
ang tama ‘di pinapansin, mali ang bida!

chorus ~ repeat
bata! bata! bata pa si pinoy!
kailan kaya mag~iisip ng tama?
bata! bata! bata pa si pinoy!
kailan kaya magkaisa nang kusa?

(outro)
bata! bata! bata pa si pinoy. kelan kaya magkaka~isip ng tama
bata! bata! bata pa si pinoy. kelan kaya magakaka~isa ng kusa


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...