lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu repablikan - hapon - siobal d ft. ms. yumi

Loading...

hapon ~ siobal d ft. ms. yumi

watashiwa itsumo
anatawa ~~~~~~~
~~~~~~~ ~~~~~~~
~~~~~~~ ~~~~~~~

verse 1:
sa panahong tila di na malaman kinaibahan ng gabi sa umaga
at mga tagpo na dalangin ko sana ay yung mga p~n~langin ay gumana
tila di ko na rin alintana pagod at gutom sa pakikibaka
kahit di ko na din maunawaan kung ano ang punto at mga sandata

ko na dala ang maaring maging kaagapay ko kapag nagkagipitan
tunog ng pagsabog amoy pulbura dito sa malawak na piitan
lupa na lagi nadidiligan ng patak ng dugo pati ng mga luha
di ko inakala na sa ganitong pagkakataon ko pa nakuha

ang sagot sa mga katanungan na kung saan naroon ang kapayapaan
noon ay inakalang maari ko lamang mahanap ‘yun sa kamatayan
subalit nag bago buhat masilayan ko na ang iyong mga mata
at sa panahon na pandaigdigan na digmaan ay meron palang magandang rason para mabuhay

chorus:
ako’y nagdarasal ,na makita kang muli
ako’y maghihintay, hanggang sa huli
malayo ka man, alam ko ika’y babalik
kahit pa matagal, sayo parin mananabik
verse 2:
sa isang bayan dun sa pilipinas ay nakilala ko ang nagpatibok
pasensya na kung saaking mga kamay, marami ng pilipinong natigok
wala din ako magawa at hindi ko ninais lahat ng mga naganap
kung kaya ko lang na baguin ang aking kapalaran sana di na pinanganak

kahit mahirap at tila imposible nakagawa ng paraan
na makausap ka at makapagpakilala at sayo’y maipaalam
laman ng puso at isipan nauunawaan kung di ka agad maniwala
ako ay isang hapong mananakop kaya ayos lang kung wala kang tiwala

ginawa ang lahat ng maaring gawin para sayo ay mapalapit
hindi pinansin ano mang balakid kahit buhay ko maging kapalit
hanggang sa tuluyan ko ng makamit, wagas na pag~ibig na buhat sayo
tila isang magandang panaginip subalit bakit pa nagkaganito

chorus:
ako’y nagdarasal, na makita kang muli
ako’y maghihintay, hanggang sa huli
malayo ka man, alam ko ika’y babalik
kahit pa matagal, sayo parin mananabik

verse 3:
sa araw na napag~usapan sa ating tagpuan, maaga akong dumating
buo na sa aking puso at isipan pangarap gusto ko na tuparin
nais kong lisanin ang laban tumakas at tuluyan ng makisama sayo
subalit ang tila makulay ko na panaginip bigla na lang naging abo
dumating kang nakatali kasama ng mga sundalong hapon na bantay
natunugan pala tayo at pinasundan. hinuli at pinasakay
pinag hiwalay at pinarusaan mabuti at hindi ako pinatay
mabuti pa sana kung ganun na nga lang sahil masmasahol pa naging lagay

pinabalik ako sa aming bansa, higit tatlong buwan na rin ang nakalipas
wala na akong naging balita patungkol sayo at diyan sa pilipinas
hanggang isang araw may liham na dumating sakin na galing sayo
tila gumuho ang aking mundo nang malaman ko anong nangyari sayo

ika’y kinawawa at pinahirapan, pinagparausan ng mga hapon
tinuring kang parang basahan at pinagpasaan ako’y babalik na ngayon
nang makatanggap ng tawag sa dating kasamang sundalo’t ako’y nangatal
sa labis na hirap ay di ka na raw, umabot pa ng buhay sa hospital

outro:
ako’y nagdarasal, na makita kang muli
ako’y maghihintay, hanggang sa huli
malayo ka man, alam ko ika’y babalik
mahal na mahal kita, hanggang sa aking pagpikit

malayo ka man, alam ko ika’y babalik
san man magpunta, ako sayo’y nakatingin


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...