lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu ramdiss - anino

Loading...

[ unang kabanata: ]
simula pa lang, tayong dalawa na ang magkasama
mula sa pighati hirap at ginhawa
hanggang sa ngiti, luha at mga tawa
kahit ano man ang makabangga aasahan mo palagi na may kasangga ka
ganun tumakbo ang ating pagsasama, kung paano ka nakilala ay nalimot na ng aking alaala
ang tanda ko basta, mula pa no’ng pagkabata nasa magkabilang bintana
nagtatawagan gamit ang laruan na teleponong yari sa lata
nang mabinyagan ikaw din ang kasama
dahon sa bunganga
sabay na tumalon sa sapa
masakit kapag tumatama
kaya nakapaldang lumalakad ng pabukaka
pagtapos mag almusal sa umaga
rekta sa kalsada
ikaw lang ang bukod tangi kong barkada
dahil ayaw naman nila akong kasama
minsan ikaw, pero ako ang madalas taya sa laro na one’to sawa
naghahabulan lang tayong dalawa hanggang sa araw ay mawala na, tawag na ni mama

sana bukas sa pag~gising
ay kaya na kitang talunin
di na madapa kapag sinubukan kang habulin
sana ako din ay matulin
na gaya mo gusto kong maging ikaw at yun ang laman ng saloobin
na sana sa susunod na laro natin
ay ako si batman at ikaw naman ang alalay kong si robin

( korus )
pansamantala kong sasamantalahin ang pagkakataon na maging mahalaga
sa mata ng tao’y lagi lang akong pamanggulo, sa kwento
parang si juan kay pedro
at yung prutas na naging unang kasalanan ng tao

[ sunod na kabanata: ]
kahit sa panaginip
ikaw si david
at ako ay tau~tauhan lang sa gilid
na nakamasid
at laging nakasilip
tagapagligtas mo kapag nasa bingit
ka ng alanganin
kahit na magkaiba ang kapalaran natin ay hindi ka naman naging iba sa ‘kin
meron mang kinikimkim
na di masabi’t maamin
sa’yo hanggang tayo’y lumaki’t naging binata, ‘kay bilis na lumipad ng panahon
kagaya ng dati ay ikaw pa rin at ako pa rin itong dakilang balagong
ikaw ang palaging may magandang pantalon, papalit~palit ng telepono kada taon
mga hinahangaan natin ngayon ay dalaga na at pangalan mo ang lagi nilang tinatanong

nakapagtapos ka, ngunit hindi ako, dahil sa pinansyal ay kapos
kahit anong trabaho ay pinapatos, pero lagi parin akong kinakapos
mabuti kapa namumuhay na ng masagana
simula nung umalis dito at nangibang bansa ka
hanggang kailan kaya ako titingin sa tinatamasa mo at hihiling na sana magkaro’n din ako ng mga biyaya na gaya sa’yo

( korus )
pansamantala kong sasamantalahin ang pagkakataon na maging mahalaga
sa mata ng tao’y lagi lang akong pamanggulo, sa kwento
parang si juan kay pedro
at yung prutas na naging unang kasalanan ng tao

[ huling kabanata: ]
habang patuloy kang pinagpapala
ako ay parang napariwara na
at mas lumala pa no’ng aking ina ay mawala na
nagkasakit ang ama, sa dasal ayaw nang maniwala

nakilala ang alak at sigarilyo
hanggang sa nalulong ako sa iba’t~ibang bisyo
nakulong at nakalaya kilala na sa presinto
laking gulat ko nang makita kita nung pag~uwi ko
“ibang~iba kana”, pabulong ko na sinabi
tumawid ako’t lumapit
umakbay sayo’t k~mapit
para sabihin lang na “kamusta ka naman k~mpadre”

ikaw ay nagulat nang bigla akong bumungad
niyakap mo na lang ng mahigpit nang walang pasabi
pero mas nagulat nung nalaman kong k~mare ko na pala, ang pinapangarap natin na babae dati
“umuwi kami para dito binyagan ang mag~iisang taon namin na anak”, yun ang sabi
“hindi mo naman ako tatanggihan diba, kasi kukinin kitang ninong, umoo ka nalang pare”
tumango~tango ako, kahit binabagabag
sabay sabi na “bakit naman hindi ako papayag”

“o paano aasahan kita ha pare, salamat
wag ka mag alala sa linggo babaha ng alak”
habang naglalakad ako papalayo
dama ko na naiinggit ako sa’yo
pumunta ako ng simbahan
hindi para malinawan kundi para itanong
“bakit ko to nararanasan?! yung mga hiniling ko sa’yo noon, ngayon nasa’n? mukhang wala naman yata akong inaasahan, hindi na ako babalik pa sa iyong tahanan. ako na ang kukuha ng sa’kin, ‘di na kita kailangan!!”

araw ng linggo napakasaya ng binyagan
halos dumalo ang iyong buong kamag~anakan
nang tayo ay nalango halos lahat ay tinamaan
tinulungan na kitang magligpit ng pinagkalatan

“ano ba yang regalo mo, ba’t di mo mabitawan? akin na nga yan, ilagay mo do’n sa lagayan”
sumagot ako ng
“pare ko, hindi na kailangan, lumayo ka sa’kin kung ayaw mo pang mapaglamayan!”
dahil totoong baril ang laman ng aking regalo
“subukan mong lumapit, puputok to sa mukha mo
‘wag ka na magtanong kung anong sala o atraso, hindi ko din alam kung bakit ko ginagawa ‘to. binabalak kitang patayin yun ang huling tanda ko, di na sana gagawin salamat sa pulang kabayo”

lumakas ang loob kong isagawa ang mga plano na kuhain ang lahat sa’yo hanggang sa madama mo ang pakiramdam ng maging isang talunan
mas malala pa sa basurahan na tapunan
kapag sinabing “trapo” ang imahe, ako ‘yan
wag ka mag~alala, ngayon madara mo yan
ipaparanas ko sa’yo kung papaano magmakaawa
kahit pa na inosente ka naman at walang sala
ikaw naman ang pagdarasalin ng walang sawa
bago pa kita pagbababarilin ng walang awa

teka nasaan na nga ba yung asawa mo
pati anak mo na lalaki isasama ko
dalawa silang babalahan kahit pa na mag iyakan
kamatayan ang magsisilbi nila na papatahan
pero uunahin na kita para walang sagabal
para ‘pag tinapos ko sila ay wala ng umangal
hindi ka sasantuhin netong dala~dala kong bakal
tatakbo kapa papalapit masyado kang mabagal

huwag, huwag, huwag!!


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...