lirik lagu pops fernandez - suko na ang puso
[verse 1]
lagi na lamang bang malulumbay?
lagi na lamang bang maghihintay
nang palimos~limos na pag~ibig mo?
mabuti pang tapusin na ang lahat ng ito
[verse 2]
mga pangako mo’y laging nabibitin
wala akong magawa kundi intindihin
dahil sa mahal kita’y ako’y nagpapakasakit
ngunit hanggang kailan ako magtitiis?
[chorus]
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
ako’y sadyang nahihirapan na
nagsasawa na akong intindihin kita
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
‘di na kailangan ang paliwanag mo
ang kailangan ko’y panahon at pagmamahal mo
[verse 3]
lagi mong sabi ay mahal mo ako
ngunit palagi ka namang wala sa piling ko
ang binibigkas ng iyong mga labi
ay ‘di tulad ng ipinararamdam mo
[verse 4]
paulit~ulit ang mga pangyayari
maniniwala pa ba ako sa ‘yo o hindi?
kailan mo ba mabibigyan ng panahon
ang pagmamahalan nating ito?
[chorus]
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
ako’y sadyang nahihirapan na
nagsasawa na akong intindihin kita
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
‘di na kailangan ang paliwanag mo
ang kailangan ko’y panahon at pagmamahal mo
[bridge]
tunay ngang mahal kita (mahal na mahal kita)
ngunit hanggang kailan naman masasaktan itong puso ko?
[chorus]
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
ako’y sadyang nahihirapan na
nagsasawa na akong intindihin kita
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
‘di na kailangan ang paliwanag mo
ang kailangan ko’y panahon at pagmamahal mo
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
ako’y sadyang nahihirapan na
nagsasawa na akong intindihin kita
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
‘di na kailangan ang paliwanag mo
ang kailangan ko’y panahon at pagmamahal mo
suko na ang puso, suko na ang puso ko sa ‘yo
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu rs/6000 - the art of tree felling
- lirik lagu kopf & hörer - everytime we touch
- lirik lagu napoleon da legend & giallo point - risks
- lirik lagu terje tysland - raske ragnar
- lirik lagu stigma (band) - a grave situation
- lirik lagu vlonedelinquente - te lo servo
- lirik lagu joni mitchell - moon at the window (demo)
- lirik lagu booka600 - umbrella
- lirik lagu deshawn rivers - buffet
- lirik lagu mjay (mj) - sover*