lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu plagpul - ka andres

Loading...

[verse]
bangungot
sa paggising ko ang diwa mo’y tulog
rebulto
sa pedestal ng sinimento kong multo

[pre~chorus]
nang aking masaksihan
‘di ko naintindihan
[?] kinahantungan mo
dambuhalang kulungan
de~kadenang isipan
libingan sa paraiso

[verse]
hindi ito ang pinangarap
na mukha ng kalayaang
inalayan ng dugo
nagpapalit lang ng pangalan
huwad na pamumunuan
habang masa ay gutom

[instrumental break & transition]

[chorus]
‘wag mo akong tawaging “supremo”
kung ang tingin mo sa akin alamat lang sa libro
‘pagkat tunay ang pang~aapi
‘di pantay ang mga uri
bayani mo lamang ako ‘pag pinili mo ang pakikipagtunggali
[instrumental break & transition]

[verse]
ako ay isinilang sa panahong ang inang baya’y nakagapos sa espada at krus
mga kapatid ko sa dugo’t kulay inalipin at naghihikahos
kami ang bernardo carpio, k~malas sa tanikala
mandirigma sa anino, hukbong mapagpalaya

[pre~chorus]
nung unang panahon, may ‘sang rebolusyon
lumaban ang itak sa bakal na kanyon
at nagmistulang awit, umabot hanggang langit
sigaw ng taong~bayan, “[?] sumaksi!”

[instrumental break & transition]

[verse]
mamamaya’y nagtagumpay
ngunit may buwitreng abang nagbabantay
kapatid kung ituring sa kilusan
sumaksak ng punyal sa likuran

[pre~chorus]
binastos sa [?], pinatapon sa maragondon
binaril at binaon
kapwa pilipino’ng pumatay sa akin
magdalong traydor sa ating adhikain
sumpa ng kasaysayang mamanahin
pagluhod sa dayuhang agilang may pangil
[instrumental break & transition]

[chorus]
‘wag mo akong tawaging “supremo”
kung ang tingin mo sa aki’y alamat lang sa libro
‘pagkat tunay ang pang~aapi
‘di pantay ang mga uri
bayani mo lamang ako ‘pag pinili mo ang pakikipagtunggali

[verse]
magsasaka’y wala pa ring lupang napagtataniman
ang manggagawa’y ‘di wastong pinasasahuran
hindi pa rin libre ang kalusugan at edukasyon
mga alagad ng dayuhan, may kontrol sa nasyon

[bridge]
hindi pa rin lumalaya’ng pilipinas
ang pag~unlad ay ilan lang ang dumaranas
at sa paglisan ko sa ‘yo’y itatanong
“ikaw ba’y may pag~asa ng ‘yong panahon?”
“ikaw ba’y may pag~asa ng ‘yong panahon?”
may pag~asa pa ang ‘yong panahon

[outro]
hindi ito ang pinangarap
na mukha ng kalayaang
inalayan ng dugo


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...