lirik lagu pinkmen - sardinas
habang ako’y nasa sakayan
naghihintay at hindi namamalayan
na may mangyayari
na ‘di pangkaraniwan
o biglang
may tumapik
sa ‘king balikat
paglingon laki
ng aking gulat
simpleng dalaga na
may misteryosong ganda
hala, hala
sabi nya, “hi, excuse me
heto ba ang pila papuntang kyusi?”
mausok at mainit
ngunit sa aking isip
ako’y nasa isang movie
agad akong nagpakilala
at doon ko nalaman (doon ko nalaman)
pareho pala kami ng pupuntahan
nahihiya ako pero
tinanong ko na siya
“gusto mo bang sumabay
sa aking ruta?”
sabi niya, “basta marami kang
baong kuwento kasi
matagal pa ang biyahe.”
sabay ngiti at abot ng pamasahe
o kay sarap mong makasama
sana’y ang trapik laging ganito
kahit nakatigil sa kalsada
kasama kita wala akong talo
pagbaba ng bus
sa tren naman
sumabak sa matinding siksikan
pero ‘di mo mahalata
pagka’t kami’y nagtatawanan
oh, bakit ang hirap maakahon
sa ganitong panahon
buhay pasahero
late na sa trabaho
pero ayos lang
dahil alam ko na
o kay sarap mong makasama
sana’y ang trapik laging ganito
kahit nakatigil sa kalsada
kasama kita wala akong talo
sino, sinong mag aakala
isa, isang kuwento ang mabubuo
kung saan tayo’y mga bida
dalaw~ng sardinas na nagtagpo
pagkatapos ng lahat
hinatid ko siya sa office niya
bago magpaalam bineso ako ng loka
sabi ko, “hanggang sa muli?”
sabi nya, “tara bukas ulit?”
at doon ko natanto, simula pa lang
ng aming kuwento
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu bandingo ygne - hard thot life
- lirik lagu noel miller - pandemic (stream intro)
- lirik lagu 2050 millions - post mortem
- lirik lagu ex_ahli - swervin' (remix)
- lirik lagu gallo - stereo soldier
- lirik lagu thisisaq - mama said
- lirik lagu aidan saunders - this is the right speed
- lirik lagu jay mundo - beamer freestyle 2
- lirik lagu фаталь (fatal') - мой дождь (my rain)
- lirik lagu ivana wong 王菀之 - 相牽 (hand in hand) (簡體字/simplified characters)