lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu ozumiiwizard - tao po (knock and plead)

Loading...

tao po, tao po
nandito bang anak nyong si pako?
meron lang po kaming itatanong sa kanya
madali lang po
wag kayong ma~alarma
maki~kooperitiba nalang po kayo iwas sa problema
para sa kaayusan ng sistema

tinawag ang anak, mga edad na bente kuwatro
sakto
si nanay na walang kaalam~alam sa parating na trahedya
may warrant, kinausarp, lumala
“o ser, paki~usar, inosente po ang anak ko
bat biglang humalbot nang glock na labing~pito?”

tao po
madali lang po ito
pasensya sa abala
nandyan po ba ang anak nyo?
wag itago
ito’y serbisyong makatao
suot~suot ang bughaw na magtatanggol sa inosenteng dugo

tao po, tao po
pulis po ito
ipapaliwanag ng direstso
suspek po ang anak nyong si drew
maaari po bang ma~interview?
wag kayong ma~alarma
maki~kooperitiba nalang po iwas sa problema
may kutang hinahabol, dagdag pera
tinawag ang anak, mga edad labing siyam
pulang mata sa kaiiyak pagkakita ng pawder sa bulsa
may warrant, kinausar, lumala
“o ser, paki~usar, di po adik ang anak ko
baka nagkamalang ibang tao”

naku po
madali lang po ito
aminin ang kasalanan
nanlaban po ang anak nyo
walang respeto
ako’y lalakeng may pamilya
sunod~sunurang aso
basta bayad, gagapang sa s~m~nto

tao po, tao po, tao tao po, tao po
serbisyong makatao
serbisyong totoo

you say we are the same
but your hands, stained by blood and shame
mine are calloused from yеars of washing clothes for a makeshift bed
our worth is mеasured by two kilos of rice
yours are kiling strikes
what life is lost from a gun that shot by choice
you rejoiced
tao po
madali lang po ito
ang ulo ng bala sa puso ng anak tagus sa ina
walang kapalit ang buhay na nawala
kahit ilang ginto, aking anak binaril, umuuwi galing kolehiya
kayang pumatay
ang dugoang sweldo pangtulak ng konsensiya
buti pa ang baboy kapakipakinabang sa gutom
ah, ang natira
kanyang gitara nakaukit ang awit ng poot sa grano ng narra


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...