lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu oriang - kerima

Loading...

verse 1
dalaw~ng daan at siyam na’pung araw
lumipas ang isang umaga sa maynila
halos walang disgrasya

ika~anim na baitang ka na
unang biyernes ng pasok at tuw~ng~tuwa
minsang dabog sa gawaing tahanan
kaunting payo, lubos na tawanan

refrain 1
init, lamig, at lagkit
sukat, tugma, at ngiti
maalab mong loob
kahit noong ikaw man ay maliit

verse 2
pitong daan at labing tatlong kilometro
ang layo ng isang engkwentro du’n sa negros
habang ikaw ay natutulog

sumikat ang araw sa dilim
saksi ang langit sa hasik nilang lagim
ninakaw nila ang huling hinga ni ka ella
makatang ‘di ko na sa’yo napakilala
refrain 2
sa iyong pagtingala
baybayin ang iwan niyang pagtatansya
ng halaga ng tao, ng lupa, ng tula, at ng digma

chorus 1
sa hugis ng iyong nagbabagang pagpasya
ang hamon sa’min ay ang tiyaking ika’y malaya
sa hulma ng iyong tapang, kami man ay minsang balisa
iyong armas ang iyong mga ina

hawak ang iyong kamay sa pagtanda
dagat man umabot ang lalim ng iyong paggunita
pamana ni kerimang pagtunton sa hustisya
pamana sa iyo, anak, ng iyong mga ina

outro
ina sa ina, gabay ko ang talas
ng iyong tala, kerima


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...