lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu oriang - chad

Loading...

verse 1
araw~araw nating hinihintay ang ulan
tingin sa taas, daliri sa himpapawiran
dati~rati hindi hamon sa paaralan
bagyo ng balang mismong araw na ang tinakpan

refrain
ang agham ng lupa bunga sa mata at lapat
sa salita ng ninuno at karga~karga ng guro
matematika ng paninindigan
buhat ni chad nang paulanan ng bala sa panagimpan

chorus
ang puno kapag madaling araw sa pebrero
basa ang mga sanga sa patak ng pawis ng dahon
basa ang ugat sa lupang babad
humihinga sabay sa pinagbungahang damo

mahirap sindihan para gawing abo
ulanin man ng tingga, bomba man ang sumalubong
ang ugat na basa sa dugo
tuloy ang bulong habang muling tumutubo

verse 2
sa iyong pakikipagtunggali
baunin mo ang kapangyarihan ng tao sa taong paninilbihan
takot ang ugat ng pagiging berdugo
utang sa lahi ang dahas laban sa katutubo
refrain
ang agham ng lupa bunga sa mata at lapat
sa salita ng ninuno at karga~karga ng guro
matematika ng paninindigan
buhat ni chad nang paulanan ng bala sa panagimpan

chorus
ang puno kapag madaling araw sa pebrero
basa ang mga sanga sa patak ng pawis ng dahon
basa ang ugat sa lupang babad
humihinga sabay sa pinagbungahang damo

mahirap sindihan para gawing abo
ulanin man ng tingga, bomba man ang sumalubong
ang ugat na basa sa dugo
tuloy ang bulong habang muling tumutubo

outro
sigaw sa hangin, sumbong sa mga bituin
simbuyo ng ating damdamin
hampas sa dibdib, hagis sa langit
militar sa kanayunan, palayasin, pagbayarin


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...