
lirik lagu nora aunor - hindi ako iiyak
[intro]
ha, ah
[verse 1]
kapeng aking tinitimpla, lagi ngayong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa aki’y nakatitig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig
[verse 2]
buhok na mahaba, iniingat~ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan ko ito
marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
at ’di mo napansin at hindi tinutulan
[chorus]
huwag kang mag~alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang pangalan itong aking anak
[refrain]
ha, ah
[verse 3]
pintong dati~rati’y bukas sa iyong pagdating
ngayo’y nakasara at panangga sa hangin
kung ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
kahit mahina pa, ito’y aking sasagutin
[verse 4]
kay linis ng silid, walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
sanggol na nasanay, akala ay ama
ngayo’y natutulog kahit nag~iisa
[chorus]
huwag kang mag~alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang pangalan itong aking anak
huwag kang mag~alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
pag~ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
[outro]
tama na at sapat
ha, ha
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu black happy - yes...and it counts
- lirik lagu drk purpp - crash out
- lirik lagu david otero - aire
- lirik lagu jinty the jinx - rap battles 1
- lirik lagu nanaminer - на проводе (on the line)
- lirik lagu abc kids - she'll be coming 'round the mountain
- lirik lagu samthing soweto - deda
- lirik lagu fuub - mico
- lirik lagu waima - nad blokiem
- lirik lagu s.p. balasubrahmanyam - madai thiranthu