lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu muzikiztah - sadyang tapat (hosea) [with blessy joy]

Loading...

verse 1
sa pag iisang dibdib
labis ang aking galak
gagawin ko ang lahat
para sa’ting mga anak
yan ang mga pangako
sa iyo’y tinitiyak
di mo mararanasan
sa piling ko na umiyak
pagkat ikaw lang ang babaeng
lubos kong mamahalin
maghanap man ng iba
hindi ko na gagawin
ako sayo’y magtatapat
ikaw lagi sakin sapat
pag ibig ang naging ugat
kung bat ko to sinulat
anuman suliranin
sabay natin haharapin
gaanuman to kabigat
sabay natin bubuhatin
basta’t pagmamahalan
ang magiging pundasyon
iba’t iba man sitwasyon
laging mayroon sulusyon
ang syang ilalaan
tiwala sa isa’t isa
laging tatandaan
higit ka pa sa iba
kaya ikaw ang pinili
nais kong makapiling
sayo lamang binibini
natagpuan ang hiling
chorus 1
di man karapat dapat
sa iyong pagmamahal
anong aking ginawa
at sa akin ibinigay
ang aking nakaraan
ay di hinusguhan
sa halip ay lalo pa
na ako ay minahal

verse 2
ilang umaga, ilang gabi
ka na hindi umuuwi
ako’y nangangamba
saan ka naman naglalagi
ang daming sabi~sabi
tayo daw may pagtatalo
pinagbuhatan ka ng kamay
kaya biglang ka nalang lumayo
iniwanan ang mga anak
habang lahat umiyak
sumama ka sa iba
sa buhay na hindi tiyak
inisip sa sarili
duon magiging maligaya
ikaw lagi masusunod
maging sa mga ninanasa
may usap usapan
saan matatagpuan
dali~daling pinuntahan
baka ka maabutan
sa lugar na kung saan
iba’t iba kulay ng ilaw
maliit na entablado
saan ka sumasayaw
nasaksihan ko ang lahat
kung paano ka gumiling
sila’y tuw~ng tuwa
habang ika’y binibidding
sa halaga na
di nararapat sa iyo
halika na aking mahal
ako na ang bibili sa iyo
chorus 2
mas lalo pang pinaramdam
na ako ay mahalaga
napakasarap damhin
ng iyong pagmamahal
lalo na’t alam ko na
ikaw ay sadyang tapat
at ang hinihiling
naibigay ng maykapal

verse 3
hindi lang yun dun natapos
naging madalas pa
gumigising sa umaga
na ika’y wala na
tinitiis ko ang lahat
kahit na nasasaktan
anuman sabihin ng iba
pilit pinagtatakpan
ayoko kasing masira
pamilya na binuo
maging pundido ilawan
sa tahanan na itinayo
pero wag kang mag alala
kahit maging ganito paman
hindi parin magbabago
aking nararamdaman
ganyan ang pag ibig ng diyos
sa akin at sa iyo
sa dami ng mga sala
pinatawad tayo
nag iba man ang landas
na ating nilakaran
sa pagbabalik loob
may kapatawaran
ang bawat isa
kung ating aaminin
maling nagawa
kung ating bibigkasin
dahil tapat sya
sa kanyang mga pangako
kaya nga sya napako
kasalanan ko’y inako
chorus 1
di man karapat dapat
sa iyong pagmamahal
anong aking ginawa
at sa akin ibinigay
ang aking nakaraan
ay di hinusguhan
sa halip ay lalo pa
na ako ay minahal

chorus 2
mas lalo pang pinaramdam
na ako ay mahalaga
napakasarap damhin
ng iyong pagmamahal
lalo na’t alam ko na
ikaw ay sadyang tapat
at ang hinihiling
naibigay ng maykapal


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...