lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu mon del rosario - sino ang baliw

Loading...

ang natutuw~ng baliw, yaman ay pinagyabang
dahil ari niya raw ang araw pati ang buwan
may isang sa yaman ay salapi ang hinihigan
ngunit ang gintong baul, panay kasalanan ang laman

sinasambit ng baliw, awit na walang laman
ulo mo’y maiiling, tatawagin mong hangal
may isang hindi baliw, iba ang awit na alam
buong araw kung magdasal, sinungaling rin naman

sinong dakila, sino ang tunay na baliw?
sinong mapalad, sinong tumatawag ng habag?
yaon bang sinilang na ang pag~iisip ay ‘di lubos?
o husto ang isip, ngunit sa pag~ibig ay kapos

ang kanyang tanging suot ay sira~sirang damit
na nakikiramay sa isip niyang punit~punit
may binatang ang g~yak, panay diyamante at hiyas
ngunit oras maghubad, kulay ahas ang balat

sinong dakila, sino ang tunay na baliw?
sinong mapalad, sinong tumatawag ng habag?
yaon bang sinilang na ang pag~iisip ay ‘di lubos?
o husto ang isip, ngunit sa pag~ibig ay kapos

sa kanyang kilos at galaw, tayo ay naaaliw
sa ating mga mata, isa lamang siyang baliw
ngunit kung tayo ay hahatulang sabay
sa mata ng maykapal, siya’y higit na b~n~l
sinong dakila, sino ang tunay na baliw?
sinong mapalad, sinong tumatawag ng habag?
yaon bang sinilang na ang pag~iisip ay ‘di lubos?
o husto ang isip

kaya’t sino, sino, sino
sino nga, sino nga ba
sino, sino ba
sino nga ba ang tunay na baliw?


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...