lirik lagu mhotivated - tarya
(first verse)
teka, magkano ba yan? ba’t parang talo naman? tinatantsa sa gaan o kinakapa kapag nagkakasukatan sanay yan sa kalakalan, dala lang ng kapakanan ng tama daw na nakakatakam, pag walang wala na ay para~paraan, pano? kapag salat na sa magkano, habang naaatat pa lalo hahanap ng aparato, anumang panapat sa gramo na dalihan kung ba’t ganado, pahirapan na ang magbago kahit buto’t balat na nga o maging patpat sa kakapalo tila giyang na nga, madiin ang panga palakad~lakad ang hindi mapigilang paa palaging abala, hindi mapakali kapag walang ginagawa na dilat ang mata at pinalalala ng tama na parang sya pa ang dinadala kahit ang pagkabaon ay ‘di na madama kung tila umaangat sa ilang baba kaya sabik makalanghap, san ba nanggaling yang sangkap? malamang ay limpak~limpak ang mga salaping natatanggap bagama’t mga malaking isda man, ‘di naman kayang malambat kung madali lang mabili ang makapangyarihang kasabwat.. what?
(chorus)
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin, silang pumupuksa o baka sila~sila rin
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin? (sino? sino?)
sino ba ang tunay na salarin, silang pumupuksa o baka sila~sila rin
(second verse)
naturingan ka nang mainit, bakit pa tinatangkilik o sa maling nakasanayan, tawag ng tama ang namimilit ngunit para san pang matamaan na parang malawak ang pag iisip? kung ang marami nang nalalaman ang madalas na pinapatahimik ‘di mapigilang hayok, malabo nang makatanggi sa alok inaabot ng hating~gabi, daig pa nagtitinda ng balot nakakayamot na kahit maraming pinapanagot, bakit ganon? hanggang ng~yon madumi ang tingin maging sa napatunayang gamot at anumang tino mo, mahirap magpakasiguro sa panahong tinutuluyan maging kasalukuyan nang sumuko kahit na mali lang ang naturo o sa inosente napatutok ay ililibing nalang sa kasinulingan na asunto kung sa natitira na mabubuti pa, mananatili ang saludo ngunit hindi sa mga pinahintulutan lang na mas maging abuso kaya ingat sa halik ni hudas, baka ikaw na ang nginunguso walang mau~mautak pag dinaan ka sa palit~ulo.. pakituro
(chorus)
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sa panahon ng~yon mag~ingat ka kasi, madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sino ba ang tunay mong kakampi? (sino? sino?)
sa panahon ng~yon mag~ingat ka kasi, madali nang magturo tapos ang hirap tumanggi
(third verse)
nakatikim ng sangkatutak, kaya pagkahumaling ay mas lumalim na at nakiki~usap, sa sandaling kalig~yahan na kaya raw abutin ang ulap katawan na nangangailangan hanggang sa may bibig~y na utak! pinipili ang piraso kung anong sa tingin nya ay p~n~lo, sa patingi~tinging silyado na pinipisil pag pinapaso, tutuluyan pag ang puhunan ay ‘di nasisingil ng amo, baka bangkay na yang lulutang kapag ang utang, naging atraso at kapalit lamang ng salto, yang buhay mo nakapusta, kung tatakbo’t magtatago pa ay san ka magpupunta? kapag ang nag~aangkat ay palpak na magpakubra yang mga nagbabagsak din naman ang magtutumba..
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu therealkidastro, tharealliltony - faygo
- lirik lagu spax - alles wird gut
- lirik lagu sillvz - bop
- lirik lagu los canarios de michoacan - que hago contigo
- lirik lagu the boomtown rats - passing through
- lirik lagu sematary - desecration
- lirik lagu big fox - let love in
- lirik lagu andra respati - putus cinta tak beralasan
- lirik lagu danny g - she wonders why (i don't trust nobody)
- lirik lagu hy-definition (soulchef & k.wiz) - proud of me