lirik lagu marco bmg - anito
[intro: marco bmg]
woooh
woooh
woooh
sabi nga nila, kung tunay ang pagmamahal mo sa isang bag~y na gusto mong gawin
ay matututo kang huminto, huminga ng malalim, at maghintay ng mahinahon
[verse 1: marco bmg]
eeey
noong walang pader naging haligi ng tahanan
noong walang mapuntahan ika’y naging tirahan
binigyan ng oras at ‘di kita pinabayaan
sinamba na parang ‘lang ibang pinaniwalaan
unang pumansin noong panahong walang kilala
at walang kasama ikaw ang nakaalala
para ‘di tumalikod at matulog lang sa kama
animo’y guro sulat sa pisara ‘gang umaga
magdamag nagkulong sa hawla ng may malabas na bomba
imbis malulong sa droga’y nagtulak ng pampabogsa
musika aking pangharana’t lisensya para pumera
at ‘di maimpluwensya ng alak, usok, at gera
mabilis nawili sa imahe dun sa pc at mv sa tv
tunog binahagi ng kalye noong panahon ng walkman at cd
at kung kapareho kami ng idolo sa buhay na pinili
ang mamatay ng dahil sayo’y hinding hindi ako magsisisi
[chorus: marco bmg]
woooh, ito ang aking anito
‘di tumingin sa kung sino sino
alam mo ba ang sinakripisyo
para lang madinig mo ko dito
[verse 2: marco bmg]
dito dito dito natututong makisama
at makiramdam sa kapwa
kung may utak talangka, tuturuang mangisda
imbis sila’y pangibabawan, tinuring na kasangga
kesa gawin kong kasangkapan
isa lang ang kalaban sa harap ng salamin
apoy sa aking damdamin ay ‘di kayang apulahin
dami pang dapat tapusin para patunayang ‘di lang sa una magaling
‘di na para hintayin, at ipagpabukas ang mga prutas na pwede ng~yong pitasin
walang mañana, bawal madaya
kung tatapik ka sa tala ‘di pwedeng pumara
lasa ng ampalaya ginamit pampagana
aking winalang bahala, ang ing~y ng mga lata
naging bingi na sa drama nilayo ang tenga sa mga ‘di naniwala
sa kulturang naging bisyo, samu’t sari na kapritso
kung sasamba ka sa piso’t katanyagan ay meron kang benepisyo
pero kung para lang sa pamalit sa resibo nawala sa huwisyo napaikot mga ulo dahil sa bag~y na ‘di madadala hanggang sa nitso
[chorus: marco bmg]
woooh, ito ang aking anito
‘di tumingin sa kung sino sino
alam mo ba ang sinakripisyo
para lang madinig mo ko dito
[pre~verse: apoc]
madinig mo dito
madinig mo dito
madinig mo dito
[verse 3: apoc]
pinagaralan bawat sulok ng larong aking napili
sarili ang idolo kaya nananatili
kung mataas tingin mo sa iba, tignang maigi
baka ang baba na ng tingin mo sa iyong sarili
bago magsisi, tignan ng marahan
bakit ka nasa larangan? para lang sa palakpakan?
para tanghalan gatasan? para sikat sa bansa lang?
kaya yung mababaw ang layunin, walang lalim kadalasan
marupok ang pundasyon kaya naman marami diyang makata na tumigil o biglaang nawala
walang kamatayan ang pag~ibig ko sa sining kaya ‘di mo ko nakitang duguan o salanta
kaya maraming kalaban nagtataka, bakit ‘di nila ko mapatumba talaga
parang sarangola, tumatayog ang lipad kakahatak nila sa akin pababa
kaya naman dapat suriin mo yang nais mo
yang anito mo ay simbulo ng prinsipyo mo
huwag kang malito kung sarili mo
‘di masilip to iyong idolo ‘di balido
kaya kapatid tandaan sana na hindi lahat ng nakitang k~mikinang ay ginto
[outro: bishop tagle]
sa mundo para ka umasenso
hindi ka dapat magpak~mbaba pak~mbaba
ang mga umaasenso sa kaharian ng mundo
yung mayayabang, yung tumatapak sa kapwa
yung nagmamalaki, nagmamataas
sabi nga nila, kung ikaw ay nagpapakababa
nako, wala kang iaasenso sa kaharian
sa kaharian ng mundo
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu mirac - kim bilir
- lirik lagu aka - python
- lirik lagu pink mario - so nice
- lirik lagu pleasuresboys - mengalirlah sungai
- lirik lagu yin kalle - fade away*
- lirik lagu donkerbot - let it be known–it is christmas time
- lirik lagu fabrizio moro - il senso di ogni cosa (2020)
- lirik lagu dom fera - midnights in october (shannon's song)
- lirik lagu i'm an astronaut - spaceships
- lirik lagu $in$ity - nascar