lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu zsa zsa padilla – sayang

Loading...

sayang ngayon lang tayo nagkatagpo,
ngayon na rin magkakalayo;
bakit kaya
minsa’y sadyang kay damot ng tadhana?
o sayang
sana’y nakilala na kita
noong ako ay malaya pa;
katulad mo,
malayang nasusunod ang puso

chorus:sana’y maaaring ibalik ang kahapon,
at duo’y magisnan na ang pag-ibig mo;
sa dalangin ay hinihiling kong
lumakad sanang pabalik ang panahon (oh–)
sana’y maaaring ibalik ang kahapon
at iguhit na muli ang nakaraan;
sana’y kaya kong baguhing lahat
sa nakalipas nating kasaysayan,
o sayang

sayang
huling dumating ka sa buhay ko
ang pag-ibig na katulad mo;
bakit kaya,
minsa’y sadyang kay damot ng tadhana?
o sayang,
pagsuyong ngayon lang dumating,
hindi na maaaring angkinin,
ng tulad kong
wala nang kalayaan pang umibig
sana’y maaaring ibalik ang kahapon,
at duo’y magisnan na ang pag-ibig mo;
sa dalangin ay hinihiling kong
lumakad sanang pabalik ang panahon (oh–)
sana’y maaaring ibalik ang kahapon
at iguhit na muli ang nakaraan;
sana’y kaya kong baguhing lahat
sa nakalipas nating kasaysayan,
talagang sayang,
o sayang
sayang!


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...