lirik lagu jmm various artists – inay
sa mahinahong paalam ng araw
sa pag-ihip ng hanging kahapunan
balabal ko’y init ng ‘yong pag-ibig
sa dapit-hapong kay lamig
mga bituin kay agang magsigising
umaandap, mapaglaro man din
iyong ngiti hatid nila sa akin
sa diwa ko’t p-n-langin
puso ko’y pahimlayin inay
upang yaring hamog
ng gabing tiwasay
ay madama ko bilang damping
halik ng ‘yong anak
ay! irog kong inay
sa palad niyo itago aking palad
aking bakas sa inyong bakas ilapat
at iuwi sa tahanan kong dapat
sa piling ng inyong anak
puso ko’y pahimlayin inay
upang yaring hamog
ng gabing tiwasay
ay madama ko bilang damping
halik ng ‘yong anak
ay! irog kong inay
puso ko’y pahimlayin inay
upang yaring hamog
ng gabing tiwasay
ay madama ko bilang damping
halik ng ‘yong anak
ay! irog ko, o ina kong mahal
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu xylø – what we’re looking for
- lirik lagu four year strong – nice to know
- lirik lagu irie kingz – me want party
- lirik lagu dj fortress – the day i changed my mind
- lirik lagu southern raiders band – amy’s man
- lirik lagu александр киреев – невозможно
- lirik lagu various artist – ingat allah
- lirik lagu azealia banks – movin’ on up*
- lirik lagu rafael vidalles – pirar
- lirik lagu thomas gold feat. mimoza – dreamer