
lirik lagu lenin (ph) - paunang salita
teka lang, meron lang akong gustong sabihin
di naman ako magtatagal
pero ‘wag kang mag~alala, hindi ka mabibitin
dahil bilang mag~aaral
dapat ay marunong makinig sa guro
manginig ka sa takot kasi malapit na ‘kong mapuno
ilang beses kong inulit ang lahat ng pagsusulit
‘wag kang magkakamaling sa akin magpauto
magaling daw sumulat, makata kuno
lahat ng nakakausap ay napapatungo
yung iba nagugulat, minsan napapayuko
kung may tronong binuhat, ako ang nakaupo
bawat linya, may sugat kaya lubhang madugo
nilason ang utak hanggang sa matuyo
at walang inatupag kundi ang magpakulo
pero ‘di ako tulad ng ‘di marunong sumukat
bumilang, tumantsa ng apoy, mainit sa una
masarap sa pang~amoy, hot chili fried tuna
ngunit kahit mabango’y nagiging basura
mabili nga, pero mabilis maluma
kung pabilisan lang naman at kung walang pakialam
sa kung ano’ng laman kahit wala nang maintindihan
pinag~isipan mo ba nang mabuti ‘yan kasi ako hindi
gusto ko lang malagpasan
ang isang bara na di ko mapasukan
barado ang baga’t medyo nabibilaukan
lalaliman ko pa ba para lang ano, para di mo
magustuhan ang mga susunod na salita
gusto mong magmakaawa pa ‘ko
para lang pakinggan mo ‘ko hanggang sa dulo ng awit
humiling ako ng isang tagapakinig
pero ba’t binigyan niyo ‘ko ng pasakit
nakakangawit talaga ang mag~isip
ayoko ng magastos, ayokong matipid
ayoko ng makalat pati ng masikip
at ayoko sa lahat ay ‘yong masyadong bilib
sa akin, alam mo ba kung sa’n ako galing
di ko hilig ang makihati sa pagkain
pero ‘pag umiral ang demonyo kong ugali
baka di ko mapigilan na nakawin
lahat ng magandang bagay at sirain
sa harap niyo at saka natin bilangin
kung mangilan~ngilan ang may pakialam
‘yong iba, baka nananahimik lang
hindi naman sa pagmamayabang
pero pakiusap, lagyan niyo man lang ng laman
di ko sinasabi na kailangang bigatan
pa’no ka magkakabilang kung masyadong magaan
ang nilatag mong bara sa timbangan
habang tumatagal, hindi na nagiging libangan
minahal ko ‘tong laro higit pa sa ‘king kasintahan
sa lahat ng bagay sa mundo, ito ang tangi kong pinagsikapan
‘pag ang panulat ay nahawakan
ang papel, nagiging kasukat bigla ng kalawakan
nagsisilabasan ang lahat ng aking nalalaman
mas malala kapag nagawa ko pang maging makasalanan
parang n~n~lasa ang bagyong hatid ng kalikasan
‘wag ka nang umasang magkakaro’n pa ng kaligtasan
malamang matutuwa si kamatayan sa sigawan
at iyakan habang nasisira ang mga tirahan
nakitaan ako ng galing sa pagiging gahaman
at sa pagsisinungaling nang ‘di inaasahan
nakakalungkot lang isipin ang katotohanang
ako pa rin yung bata na kailangang pangaralan
baliktaran lang ang lahat ng sinasabi ko
tingnan natin kung ilan ang madadagit mo
kahit na istilo ng iba ang gamit ko
ang gusto ko lang sabihin ay “pasali po”
pinuno ko ng pakinabang ang tinig ko
bumabato lamang na parang nagpipiko
ang kakampi at kalaban na napili ko
sa laro na ‘to ay ang sarili ko
di ko kailangan ng bobong kritiko
upang malapastangan ang buong liriko
na aking pinagpuyatan sana naisip mo
na kahit katuwaan, ‘di ako nagbibiro
nalilito, sa’n ba ‘ko liliko
pero diretso lang, di ako hihinto
kung marami mang balakid na lumapit sa paligid
kahit kailan ay hindi ako mabibigo
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu echoblue93 - brésil
- lirik lagu 平井大 (hiraidai) - happy birthday to my son.
- lirik lagu kir4ik - я интро ( i'm the intro )
- lirik lagu toni estes - two eleven - outro
- lirik lagu jody watley - still a thrill (greg royal radio edit)
- lirik lagu easy honey - like glue
- lirik lagu scotchacid - нужен хайп (need hype)
- lirik lagu when snakes sing - linger
- lirik lagu melissa manchester - help is on the way
- lirik lagu лил мартышка (lil martyshka) - котята (kittens)