lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu lenin (ph) - obs

Loading...

‘wag mo sanang ‘pagpaliban
walang may ibang alam
laging napapanaginipan
ikaw lamang ang laman

ng utak kong sinasaniban
at pusong nagdaramdam
nahihiya akong lapitan ka

umiwas ng tingin
kunwari’y may bibilhin
kapag umalis ay susundan ka
naro’n ako sa’n ka man pumunta

sa gabing malalim
ako’y nagbabantay
hanggang sa lumiwanag
at salubungin ang araw nang sabay

naghihintay nang mahinahon
ikaw ay makabalik
bawat hakbang mo’y parang alon
na sa ‘kin humahalik

di makapagpigil
ako ay naaatat
nakaipit pa rin ang ‘yong larawan
sa bitbit kong aklat
ikaw ay napatingin
di ko alam ang gagawin
nagtago na lang, kinakabahan
ayoko na ng gan’tong pakiramdam

sa gabing malalim
ako’y magbabantay
at bago lumiwanag
sisiguraduhin ko munang ikaw ay patay

nais ko ay mapasa ‘kin ka
kaso lang wala ka na
nais ko ay mapasa ‘kin ka
kaso lang wala ka na
nais ko ay mapasa ‘kin ka
kaso lang wala ka na
nais ko ay mapasa ‘kin ka
kaso lang wala ka na


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...